Pumunta sa nilalaman

Nagkakagusto Ako sa Kasekso Ko—Homoseksuwal Na ba Ako?

Nagkakagusto Ako sa Kasekso Ko—Homoseksuwal Na ba Ako?

Hindi!

Ang totoo: Ang pagkakagusto sa kasekso ay kadalasan nang lumilipas din.

Iyan ang natuklasan ni Lisette, 16, na minsang nagkagusto sa kasekso niya. Ang sabi niya: “Nalaman ko . . . sa klase namin sa biology na sa panahon ng kabataan, pabago-bago ang hormone level ng isa. Sa tingin ko, kung alam lang ng mga kabataan ang mga pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan, maiintindihan nila na maaaring pansamantala lang ang pagkaakit sa kasekso, at hindi sila magpapadala sa tukso.”

Ang lahat ng kabataan ay kailangang magpasiya—tatanggapin ba nila ang mababang pamantayan ng sanlibutan hinggil sa sekso o susundin nila ang mataas na pamantayang moral na nakasaad sa Salita ng Diyos?

Pero paano kung mas matindi ang nararamdaman mo para sa isang kasekso? Hindi kaya ang lupit naman kung sasabihin ng Diyos sa isang nagkakagusto sa kasekso niya na iwasan ang homoseksuwalidad?

Kung oo ang sagot mo sa huling tanong, kailangan mong malaman na ang pangangatuwirang iyan ay batay sa maling ideya na dapat sundin ng tao ang kaniyang seksuwal na pagnanasa. Malaki ang tiwala ng Diyos sa tao dahil tinitiyak ng Bibliya na kaya nilang pigilin ang maling pagnanasa kung talagang gusto nila.—Colosas 3:5.

Ang Bibliya ay makatuwiran at patas. Sa mga homoseksuwal man o hindi, pareho lang ang utos nito—“tumakas . . . mula sa pakikiapid.” (1 Corinto 6:18) Ang totoo, milyon-milyong indibiduwal na hindi naman homoseksuwal ang nagpipigil din ng sarili para sundin ang Bibliya, anumang tukso ang dumating. Magagawa rin iyan ng mga may tendensiyang maging homoseksuwal kung talagang gusto nilang maging katanggap-tanggap sa Diyos.—Deuteronomio 30:19.