Pumunta sa nilalaman

Paano Kung Adik Na Ako sa Pornograpya?

Paano Kung Adik Na Ako sa Pornograpya?

Ang puwede mong gawin

Tandaan mong napakasama ng pornograpya. Paraan ito para pasamain ang isang bagay na ginawang marangal ng Diyos. Kung tatandaan mo iyan, matutulungan ka nitong ‘kapootan ang kasamaan.’—Awit 97:10.

Isipin ang mga kahihinatnan. Pinabababa ng pornograpya ang pagkatao hindi lang ng mga nakalarawan dito, kundi pati na rin ng mga taong tumitingin dito. Kaya naman sinasabi ng Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.”—Kawikaan 22:3.

Mangako. “Ako ay gumawa ng taimtim na pangako na hindi kailanman titingin nang may pagnanasa sa isang babae,” ang sabi ng tapat na lalaking si Job. (Job 31:1, Today’s English Version) Narito ang ilang “taimtim na pangako” na maaari mong gawin:

  • Hindi ako gagamit ng Internet kapag mag-isa lang ako.

  • Isasara ko agad ang anumang lilitaw na malaswang mensahe o larawan kapag nag-i-Internet ako.

  • Sasabihin ko sa isang may-gulang na kaibigan kapag muli akong natuksong tumingin sa pornograpya.

Miyentras mas maraming ulit kang tumitingin sa pornograpya, lalo kang mahihirapang makawala sa bisyong ito

Manalangin. Nanalangin ang salmista sa Diyos na Jehova: “Palampasin mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan.” (Awit 119:37) Gusto ng Diyos na magtagumpay ka, at kapag nanalangin ka, mabibigyan ka niya ng lakas para magawa mo kung ano ang tama!—Filipos 4:13.

Ipakipag-usap ito. Kadalasan nang malaking tulong para maihinto mo ang iyong bisyo kung mayroon kang mapagsasabihan ng niloloob mo.—Kawikaan 17:17.

Ang totoo, sa bawat pagkakataong naiiwasan mo ang pornograpya, nagtatagumpay ka. Sabihin sa Diyos na Jehova ang tagumpay mong iyon, at pasalamatan siya sa lakas na ibinigay niya sa iyo. Kung iiwasan mo ang pornograpya, mapapasaya mo ang puso ni Jehova!—Kawikaan 27:11.