Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hinahayaan Mo Bang Kausapin Ka ng Diyos Araw-araw?

Hinahayaan Mo Bang Kausapin Ka ng Diyos Araw-araw?

Hinahayaan Mo Bang Kausapin Ka ng Diyos Araw-araw?

GAANO kadalas kang nananalamin? Araw-araw itong ginagawa ng marami sa atin​—marahil maraming beses pa nga sa isang araw. Bakit? Gusto kasi nating maayos ang ating hitsura.

Ang pagbabasa ng Bibliya ay gaya ng pananalamin. (Santiago 1:23-25) Ang mensaheng nasa Salita ng Diyos ay may kapangyarihang tumulong sa atin na makilala kung sino talaga tayo. Ito ay “tumatagos maging hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu.” (Hebreo 4:12) Sa ibang salita, ipinakikita nito ang pagkakaiba ng kung ano tayo sa labas at kung ano talaga tayo. Gaya ng salamin, ipinakikita nito kung ano ang mga kailangan nating baguhin.

Isinisiwalat ng Bibliya hindi lamang ang mga pagbabagong dapat gawin kundi tinutulungan din tayo nito na gawin ang mga pagbabagong iyon. Sumulat si apostol Pablo: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran.” (2 Timoteo 3:16, 17) Pansinin na sa apat na pakinabang na itinatampok, tatlo sa mga ito​—pagsaway, pagtutuwid ng mga bagay-bagay, at pagdidisiplina​—ang may kaugnayan sa pagbabago ng ating saloobin at paggawi. Kung kailangan nating palaging manalamin upang matiyak na maayos ang ating hitsura, lalo pa ngang kailangan nating basahin nang regular ang Salita ng Diyos, ang Bibliya!

Nang atasan ng Diyos na Jehova si Josue na pangunahan ang bansang Israel, sinabi Niya sa kaniya: “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, at babasahin mo ito nang pabulong araw at gabi, upang maingatan mong gawin ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat sa gayon ay gagawin mong matagumpay ang iyong lakad at sa gayon ay kikilos ka nang may karunungan.” (Josue 1:8) Oo, upang magtagumpay, kailangang basahin palagi ni Josue ang Salita ng Diyos “araw at gabi.”

Ipinakikita rin ng unang awit ang mga pakinabang ng regular na pagbabasa ng Bibliya nang sabihin nito: “Maligaya ang taong hindi lumalakad sa payo ng mga balakyot, at sa daan ng mga makasalanan ay hindi tumatayo, at sa upuan ng mga manunuya ay hindi umuupo. Kundi ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova, at sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi. At siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan at ang mga dahon nito ay hindi nalalanta, at ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.” (Awit 1:1-3) Tiyak na gusto nating maging katulad ng taong iyon.

Maraming tao ang nagbabasa ng Bibliya araw-araw. Nang tanungin ang isang Kristiyano kung bakit siya nagbabasa ng Bibliya araw-araw, ganito ang sabi niya: “Kung paulit-ulit akong nananalangin sa Diyos sa isang araw at inaasahan kong pakikinggan niya ako, bakit hindi ko naman pakikinggan ang Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa ng kaniyang Salita araw-araw? Kung gusto nating maging mabuting kaibigan, bakit tayo lang ang laging magsasalita?” Tama siya. Ang pagbabasa ng Bibliya ay gaya ng pakikinig sa Diyos, dahil sa pamamagitan nito, nalalaman natin ang kaniyang pangmalas niya sa mga bagay-bagay.

Paano Natin Regular na Mababasa ang Bibliya?

Marahil nasimulan mo nang basahin ang Bibliya. Nabasa mo na ba ang buong Bibliya? Iyan ay isang napakainam na paraan upang maging pamilyar sa nilalaman nito. Gayunman, may ilan na nagsimulang magbasa ng Bibliya, pero hindi nila natapos ito. Ganiyan ka rin ba? Ano ang magagawa mo para mabasa mo ang buong Bibliya? Bakit hindi subukin ang dalawang mungkahi?

Mag-iskedyul ng pagbabasa ng Bibliya araw-araw. Pumili ng oras sa bawat araw na mas malamang na magagawa mong magbasa ng Bibliya. Gumawa rin ng alternatibong iskedyul. Kung hindi ka makapagbabasa ng Bibliya sa iyong napiling oras, pumili ng ibang oras para mabasa mo ang Salita ng Diyos sa araw na iyon. Sa ganitong paraan, matutularan mo ang halimbawa ng sinaunang mga taga-Berea. Ganito ang sinasabi sa atin tungkol sa kanila: “Tinanggap nila ang salita nang may buong pananabik ng kaisipan, na maingat na sinusuri ang Kasulatan sa araw-araw kung totoo nga ang mga bagay na ito.”​—Gawa 17:11.

Magkaroon ng espesipikong tunguhin. Halimbawa, kung magbabasa ka ng tatlo hanggang limang kabanata ng Bibliya araw-araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob lamang ng isang taon. Ipinakikita ng tsart sa sumusunod na mga pahina kung paano ito magagawa. Bakit hindi subukin ang mungkahing ito? Sa ilalim ng uluhang “Petsa,” isulat kung kailan mo babasahin ang bawat set ng mga kabanata. Sa kahon, lagyan ng tsek ang mga bahaging nabasa mo na. Sa paggawa nito, nasusubaybayan mo ang iyong pagbabasa ng Bibliya.

Kapag nabasa mo na ang buong Bibliya, bakit hindi ito basahing muli? Maaari mong gamitin ang iskedyul ding iyon upang basahin ang buong Bibliya bawat taon, marahil ay magsimula naman sa ibang seksiyon. O kung gusto mong basahin ang buong Bibliya nang mas mabagal, maaaring gumugol ka ng dalawa o tatlong araw upang basahin ang bawat nakaiskedyul na mga pagbasa.

Tuwing babasahin mo ang Bibliya, may matututuhan kang bagong mga bagay na maaari mong ikapit sa iyong buhay​—mga bagay na hindi mo napansin noon. Bakit? “Ang tanawin ng sanlibutang ito ay nagbabago,” at nagbabago rin ang ating buhay at mga kalagayan. (1 Corinto 7:31) Kung gayon, maging determinadong basahin ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, araw-araw. Sa ganitong paraan, makatitiyak ka na hinahayaan mong kausapin ka ng Diyos araw-araw.​—Awit 16:8.

[Larawan sa pahina 14]

Maaari ka bang maglaan ng panahon araw-araw upang magbasa ng Bibliya?

[Chart/Mga larawan sa pahina 15]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

1

Pagbabasa ng Bibliya Iskedyul

TAGUBILIN. Isulat kung kailan mo planong basahin ang bawat grupo ng nakalistang mga kabanata. Lagyan ng tsek kapag natapos mo nang basahin ang bawat seksiyon. Maaari mong basahin ang mga aklat ng Bibliya ayon sa pagkakasunud-sunod o piliin ang mga paksa salig sa mga kategoryang ipinakikita. Kung babasahin mo ang isang set ng mga kabanata araw-araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob ng isang taon.

◆ Basahin ang mga may markang PULANG diamond para malaman ang kasaysayan ng mga pakikitungo ng Diyos sa mga Israelita.

● Basahin ang mga may markang ASUL upang malaman ang sunud-sunod na pangyayari sa pagsulong ng kongregasyong Kristiyano.

2

MGA AKDA NI MOISES

PETSA KABANATA □✔

/ GENESIS 1-3

/ 4-7

/ 8-11

/ ◆ 12-15

/ ◆ 16-18

/ ◆ 19-22

/ ◆ 23-24

/ ◆ 25-27

/ ◆ 28-30

/ ◆ 31-32

/ ◆ 33-34

/ ◆ 35-37

/ ◆ 38-40

/ ◆ 41-42

/ ◆ 43-45

/ ◆ 46-48

/ ◆ 49-50

/ EXODO ◆ 1-4

/ ◆ 5-7

/ ◆ 8-10

/ ◆ 11-13

/ ◆ 14-15

/ ◆ 16-18

/ ◆ 19-21

/ 22-25

/ 26-28

/ 29-30

/ ◆ 31-33

/ ◆ 34-35

/ 36-38

/ 39-40

/ LEVITICO 1-4

/ 5-7

/ 8-10

/ 11-13

/ 14-15

/ 16-18

/ 19-21

/ 22-23

/ 24-25

/ 26-27

/ BILANG 1-3

/ 4-6

/ 7-9

/ ◆ 10-12

/ ◆ 13-15

/ ◆ 16-18

/ ◆ 19-21

/ ◆ 22-24

/ ◆ 25-27

/ 28-30

/ ◆ 31-32

/ ◆ 33-36

/ DEUTERONOMIO 1-2

/ ◆ 3-4

/ 5-7

/ 8-10

/ 11-13

3

/ 14-16

/ ◆ 17-19

/ 20-22

/ 23-26

/ 27-28

/ ◆ 29-31

/ ◆ 32

/ ◆ 33-34

PAGPASOK NG ISRAEL SA LUPANG PANGAKO

PETSA KABANATA □✔

/ JOSUE ◆ 1-4

/ ◆ 5-7

/ ◆ 8-9

/ ◆ 10-12

/ ◆ 13-15

/ ◆ 16-18

/ ◆ 19-21

/ ◆ 22-24

/ HUKOM ◆ 1-2

/ ◆ 3-5

/ ◆ 6-7

/ ◆ 8-9

/ ◆ 10-11

/ ◆ 12-13

/ ◆ 14-16

/ ◆ 17-19

/ ◆ 20-21

/ RUTH ◆ 1-4

PAMAMAHALA NG MGA HARI SA ISRAEL

PETSA KABANATA □✔

/ 1 SAMUEL ◆ 1-2

/ ◆ 3-6

/ ◆ 7-9

/ ◆ 10-12

/ ◆ 13-14

/ ◆ 15-16

/ ◆ 17-18

/ ◆ 19-21

/ ◆ 22-24

/ ◆ 25-27

/ ◆ 28-31

/ 2 SAMUEL ◆ 1-2

/ ◆ 3-5

/ ◆ 6-8

/ ◆ 9-12

/ ◆ 13-14

/ ◆ 15-16

/ ◆ 17-18

/ ◆ 19-20

/ ◆ 21-22

/ ◆ 23-24

/ 1 HARI ◆ 1-2

/ ◆ 3-5

/ ◆ 6-7

/ ◆ 8

/ ◆ 9-10

/ ◆ 11-12

4

/ 1 HARI (karugtong) ◆ 13-14

/ ◆ 15-17

/ ◆ 18-19

/ ◆ 20-21

/ ◆ 22

/ 2 HARI ◆ 1-3

/ ◆ 4-5

/ ◆ 6-8

/ ◆ 9-10

/ ◆ 11-13

/ ◆ 14-15

/ ◆ 16-17

/ ◆ 18-19

/ ◆ 20-22

/ ◆ 23-25

/ 1 CRONICA 1-2

/ 3-5

/ 6-7

/ 8-10

/ 11-12

/ 13-15

/ 16-17

/ 18-20

/ 21-23

/ 24-26

/ 27-29

/ 2 CRONICA 1-3

/ 4-6

/ 7-9

/ 10-14

/ 15-18

/ 19-22

/ 23-25

/ 26-28

/ 29-30

/ 31-33

/ 34-36

PAGBABALIK NG MGA JUDIO MULA SA PAGKATAPON

PETSA KABANATA □✔

/ EZRA ◆ 1-3

/ ◆ 4-7

/ ◆ 8-10

/ NEHEMIAS ◆ 1-3

/ ◆ 4-6

/ ◆ 7-8

/ ◆ 9-10

/ ◆ 11-13

/ ESTHER ◆ 1-4

/ ◆ 5-10

MGA AKDA NI MOISES

PETSA KABANATA □✔

/ JOB 1-5

/ 6-9

/ 10-14

/ 15-18

/ 19-20

5

/ 21-24

/ 25-29

/ 30-31

/ 32-34

/ 35-38

/ 39-42

MGA AKLAT NG MGA AWIT AT MATATALINONG PAYO

PETSA KABANATA □✔

/ AWIT 1-8

/ 9-16

/ 17-19

/ 20-25

/ 26-31

/ 32-35

/ 36-38

/ 39-42

/ 43-47

/ 48-52

/ 53-58

/ 59-64

/ 65-68

/ 69-72

/ 73-77

/ 78-79

/ 80-86

/ 87-90

/ 91-96

/ 97-103

/ 104-105

/ 106-108

/ 109-115

/ 116-119:63

/ 119:64-176

/ 120-129

/ 130-138

/ 139-144

/ 145-150

/ KAWIKAAN 1-4

/ 5-8

/ 9-12

/ 13-16

/ 17-19

/ 20-22

/ 23-27

/ 28-31

/ ECLESIASTES 1-4

/ 5-8

/ 9-12

/ AWIT NI SOLOMON 1-8

MGA PROPETA

PETSA KABANATA □✔

/ ISAIAS 1-4

/ 5-7

/ 8-10

6

/ ISAIAS (karugtong) 11-14

/ 15-19

/ 20-24

/ 25-28

/ 29-31

/ 32-35

/ 36-37

/ 38-40

/ 41-43

/ 44-47

/ 48-50

/ 51-55

/ 56-58

/ 59-62

/ 63-66

/ JEREMIAS 1-3

/ 4-5

/ 6-7

/ 8-10

/ 11-13

/ 14-16

/ 17-20

/ 21-23

/ 24-26

/ 27-29

/ 30-31

/ 32-33

/ 34-36

/ 37-39

/ 40-42

/ 43-44

/ 45-48

/ 49-50

/ 51-52

/ PANAGHOY 1-2

/ 3-5

/ EZEKIEL 1-3

/ 4-6

/ 7-9

/ 10-12

/ 13-15

/ 16

/ 17-18

/ 19-21

/ 22-23

/ 24-26

/ 27-28

/ 29-31

/ 32-33

/ 34-36

/ 37-38

/ 39-40

/ 41-43

/ 44-45

/ 46-48

/ DANIEL 1-2

/ 3-4

/ 5-7

/ 8-10

/ 11-12

7

/ OSEAS 1-7

/ 8-14

/ JOEL 1-3

/ AMOS 1-5

/ 6-9

/ OBADIAS/​JONAS

/ MIKAS 1-7

/ NAHUM/​HABAKUK

/ ZEFANIAS/​HAGAI

/ ZACARIAS 1-7

/ 8-11

/ 12-14

/ MALAKIAS 1-4

MGA ULAT TUNGKOL SA BUHAY AT MINISTERYO NI JESUS

PETSA KABANATA □✔

/ MATEO 1-4

/ 5-7

/ 8-10

/ 11-13

/ 14-17

/ 18-20

/ 21-23

/ 24-25

/ 26

/ 27-28

/ MARCOS ● 1-3

/ ● 4-5

/ ● 6-8

/ ● 9-10

/ ● 11-13

/ ● 14-16

/ LUCAS 1-2

/ 3-5

/ 6-7

/ 8-9

/ 10-11

/ 12-13

/ 14-17

/ 18-19

/ 20-22

/ 23-24

/ JUAN 1-3

/ 4-5

/ 6-7

/ 8-9

/ 10-12

/ 13-15

/ 16-18

/ 19-21

PAGSULONG NG KONGREGASYONG KRISTIYANO

PETSA KABANATA □✔

/ GAWA ● 1-3

/ ● 4-6

/ ● 7-8

/ ● 9-11

8

/ GAWA (karugtong) ● 12-14

/ ● 15-16

/ ● 917-19

/ ● 20-21

/ ● 22-23

/ ● 24-26

/ ● 27-28

MGA LIHAM NI PABLO

PETSA KABANATA □✔

/ ROMA 1-3

/ 4-7

/ 8-11

/ 12-16

/ 1 CORINTO 1-6

/ 7-10

/ 11-14

/ 15-16

/ 2 CORINTO 1-6

/ 7-10

/ 11-13

/ GALACIA 1-6

/ EFESO 1-6

/ FILIPOS 1-4

/ COLOSAS 1-4

/ 1 TESALONICA 1-5

/ 2 TESALONICA 1-3

/ 1 TIMOTEO 1-6

/ 2 TIMOTEO 1-4

/ TITO/​FILEMON

/ HEBREO 1-6

/ 7-10

/ 11-13

MGA LIHAM NG IBANG MGA APOSTOL AT ALAGAD

PETSA KABANATA □✔

/ SANTIAGO 1-5

/ 1 PEDRO 1-5

/ 2 PEDRO 1-3

/ 1 JUAN 1-5

/ 2 JUAN/​3 JUAN/​JUDAS

/ APOCALIPSIS 1-4

/ 5-9

/ 10-14

/ 15-18

/ 19-22

Una, gupitin sa linya

Ikalawa, pagsamahin ang dalawang pahina at itupi