Mga Gawa ng mga Apostol 7:1-60

7  Pero sinabi ng mataas na saserdote: “Totoo ba ang mga ito?”  Sumagot si Esteban: “Mga kapatid at mga ama, makinig kayo. Ang maluwalhating Diyos ay nagpakita sa ninuno nating si Abraham habang nasa Mesopotamia siya, bago siya tumira sa Haran,+  at sinabi sa kaniya ng Diyos: ‘Umalis ka sa iyong lupain, iwan mo ang mga kamag-anak mo, at pumunta ka sa lupain na ipapakita ko sa iyo.’+  Kaya umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at tumira sa Haran. Pagkamatay ng ama niya,+ pinalipat siya ng Diyos para tumira sa lupaing ito na tinitirhan ninyo ngayon.+  Pero walang ibinigay na mana sa kaniya ang Diyos—wala, kahit sinlaki lang ng talampakan; pero ipinangako ng Diyos na ang lupaing ito ay ibibigay sa kaniya bilang pag-aari, pati na sa mga supling niya,+ kahit wala pa siyang anak nang panahong iyon.+  Sinabi rin sa kaniya ng Diyos na ang mga supling niya ay magiging dayuhan sa ibang bansa, at aalipinin sila roon at pahihirapan* nang 400 taon.+  ‘At hahatulan ko ang bansang iyon na mang-aalipin sa kanila,’+ ang sabi ng Diyos, ‘at pagkatapos nito, lalaya sila at maglilingkod sa akin sa lugar na ito.’+  “Nakipagtipan din sa kaniya ang Diyos, at ang tanda ng tipang ito ay pagtutuli.+ Pagkatapos, naging anak niya si Isaac+ at tinuli niya ito nang ikawalong araw,+ at naging anak ni Isaac si Jacob, at naging anak ni Jacob ang 12 ulo ng angkan.  At ang mga ulo ng angkan ay nainggit kay Jose+ at ibinenta siya sa Ehipto.+ Pero ang Diyos ay sumakaniya+ 10  at iniligtas siya mula sa lahat ng kaniyang paghihirap+ at tinulungan siyang maging kalugod-lugod at marunong sa harap ng Paraon, na hari ng Ehipto. At inatasan siya nitong mamahala sa Ehipto at sa buong sambahayan nito.+ 11  Pero nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan, isa ngang malaking kapighatian, at walang mahanap na pagkain ang mga ninuno natin.+ 12  Pero narinig ni Jacob na may suplay ng pagkain* sa Ehipto, at isinugo niya roon ang mga ninuno natin.+ 13  Nang pumunta sila roon sa ikalawang pagkakataon, nagpakilala si Jose sa mga kapatid niya, at nakilala ng Paraon ang pamilya ni Jose.+ 14  Kaya ipinasundo ni Jose sa Canaan ang ama niyang si Jacob at ang lahat ng kamag-anak niya+—lahat-lahat ay 75.+ 15  At pumunta si Jacob sa Ehipto.+ Doon siya namatay,+ pati ang mga ninuno natin.+ 16  Dinala sila sa Sikem at inilibing sa libingang binili ni Abraham sa mga anak ni Hamor sa Sikem kapalit ng perang pilak.+ 17  “Nang malapit nang tuparin ng Diyos ang ipinangako niya kay Abraham, ang ating bayan sa Ehipto ay lumaki, 18  hanggang sa nagkaroon ng bagong hari sa Ehipto, na hindi nakakakilala kay Jose.+ 19  Nagpakana siya ng masama laban sa ating lahi* at pinilit ang mga ama na pabayaan* ang mga anak nila para mamatay.+ 20  Nang panahong iyon ay ipinanganak si Moises, at napakaganda ng bata. At inalagaan* siya nang tatlong buwan sa bahay ng ama niya.+ 21  Pero nang mapilitan ang mga magulang niya na pabayaan siya,+ kinuha siya ng anak na babae ng Paraon at pinalaki bilang sarili nitong anak.+ 22  Kaya itinuro kay Moises ang lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo. At kahanga-hanga ang kaniyang pananalita at mga ginagawa.+ 23  “Nang 40 taóng gulang na siya, naisip niyang bisitahin ang* mga kapatid niya, ang mga anak ni Israel.+ 24  Nang makita niyang pinagmamalupitan ang isa sa mga kapatid niya, ipinagtanggol niya ito at ipinaghiganti, kaya pinatay niya ang Ehipsiyo.+ 25  Inisip niyang maiintindihan ng mga kapatid niya na ginagamit siya ng Diyos para iligtas sila, pero hindi nila ito naintindihan. 26  Kinabukasan, pinuntahan niya ulit sila, at may nakita siyang nag-aaway. Sinubukan niya silang pagbatiin, at sinabi niya: ‘Magkapatid kayo. Bakit kayo nag-aaway?’+ 27  Pero itinulak siya ng isa na nanakit sa kapuwa nito at sinabi: ‘Sino ang nag-atas sa iyo na maging tagapamahala at hukom namin? 28  Gusto mo ba akong patayin gaya ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?’+ 29  Pagkarinig nito, tumakas si Moises at nanirahan bilang dayuhan sa lupain ng Midian, kung saan siya nagkaanak ng dalawang lalaki.+ 30  “Pagkalipas ng 40 taon, isang anghel ang nagpakita sa kaniya sa ilang ng Bundok Sinai sa pamamagitan ng apoy sa nagliliyab na matinik na halaman.*+ 31  Nang makita ito ni Moises, namangha siya rito. Pero habang palapit siya para mag-usisa, narinig niya ang tinig ni Jehova: 32  ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac, at Jacob.’+ Nanginig sa takot si Moises, at hindi na siya nag-usisa pa. 33  Sinabi ni Jehova: ‘Hubarin mo ang sandalyas mo, dahil banal ang lupang kinatatayuan mo.+ 34  Nakita ko ang pang-aapi sa bayan ko na nasa Ehipto, at narinig ko ang daing nila,+ at bumaba ako para iligtas sila. Kaya ngayon ay isusugo kita sa Ehipto.’+ 35  Ang Moises na ito, na kanilang itinakwil at sinabihan, ‘Sino ang nag-atas sa iyo na maging tagapamahala at hukom?’+ ang isinugo ng Diyos+ bilang tagapamahala at tagapagligtas; isinugo siya sa pamamagitan ng anghel na nagpakita sa kaniya sa matinik na halaman. 36  Siya ang naglabas sa kanila+ at nagsagawa ng kamangha-manghang mga bagay at mga tanda sa Ehipto+ at sa Dagat na Pula+ at sa ilang sa loob ng 40 taon.+ 37  “Siya rin ang Moises na nagsabi sa mga anak ni Israel: ‘Ang Diyos ay pipili mula sa mga kapatid ninyo ng isang propeta na gaya ko.’+ 38  Siya ang kasama ng kongregasyon sa ilang at ang kinausap ng anghel+ sa Bundok Sinai noong kasama niya ang ating mga ninuno, at narinig niya ang buháy na salita ng Diyos,* na ipinaalám naman niya sa atin.+ 39  Pero ayaw siyang sundin ng mga ninuno natin. Itinakwil nila siya,+ at sa puso nila, nangarap silang bumalik sa Ehipto,+ 40  at sinabi nila kay Aaron: ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin. Dahil hindi namin alam kung ano na ang nangyari sa Moises na iyon, na naglabas sa amin sa lupain ng Ehipto.’+ 41  Kaya gumawa sila noon ng isang guya* at naghandog sa idolo at nagpakasaya dahil sa ginawa ng kamay nila.+ 42  Kaya tinalikuran sila ng Diyos at pinabayaan silang maglingkod* sa hukbo ng langit,+ gaya ng nakasulat sa aklat ng mga Propeta: ‘Hindi kayo sa akin nag-alay ng inyong mga handog at hain sa loob ng 40 taon sa ilang, hindi ba, O sambahayan ng Israel? 43  Kundi dinala ninyo ang tolda ni Moloc+ at ang bituin ng diyos na si Repan, ang mga imaheng ginawa ninyo para sambahin. Kaya itatapon ko kayo sa lugar na mas malayo pa sa Babilonya.’+ 44  “Nasa mga ninuno natin ang tolda ng patotoo sa ilang, na iniutos ng Diyos na gawin ni Moises ayon sa parisang nakita niya.+ 45  At naging pag-aari ito ng mga ninuno natin at dinala ito kasama ni Josue sa lupaing pag-aari ng mga bansa,+ na pinalayas ng Diyos sa harap ng mga ninuno natin.+ Nanatili iyon doon hanggang sa panahon ni David. 46  Naging kalugod-lugod siya sa Diyos at hiniling niya ang pribilehiyong gumawa* ng tirahan para sa Diyos ni Jacob.+ 47  Pero si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa Kaniya.+ 48  Gayunman, ang Kataas-taasan ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng mga kamay,+ gaya ng sinasabi ng propeta: 49  ‘Ang langit ang trono ko,+ at ang lupa ang tuntungan ko.+ Anong bahay ang maitatayo ninyo para sa akin? ang sabi ni Jehova. O saan ako magpapahinga? 50  Kamay ko ang gumawa ng lahat ng bagay na ito, hindi ba?’+ 51  “Mga mapagmatigas at di-tuli ang mga puso at tainga,+ lagi ninyong nilalabanan ang banal na espiritu; kung ano ang ginawa ng mga ninuno ninyo, iyon din ang ginagawa ninyo.+ 52  Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo?+ Oo, pinatay nila ang mga patiunang naghayag ng pagdating ng isa na matuwid,+ na pinagtaksilan ninyo ngayon at pinatay,+ 53  kayo na tumanggap ng Kautusan na dinala ng mga anghel+ pero hindi ninyo tinupad.” 54  Pagkarinig nito, galit na galit sila sa kaniya at nagngalit ang mga ngipin nila.+ 55  Pero siya, na puspos ng banal na espiritu, ay tumingin sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at ni Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos+ 56  at sinabi: “Nakikita ko ngayong bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao.”+ 57  Dahil diyan, sumigaw sila nang napakalakas at tinakpan ang mga tainga nila at sinugod siya. 58  Dinala nila siya sa labas ng lunsod at pinagbabato.+ Inilapag ng mga testigo+ ang balabal nila sa paanan ng lalaking* si Saul.+ 59  Habang binabato nila si Esteban, nagsumamo siya: “Panginoong Jesus, tanggapin mo ang buhay* ko.” 60  Pagkaluhod niya, sumigaw siya: “Jehova, huwag mong singilin sa kanila ang kasalanang ito.”+ Pagkasabi nito, namatay* siya.

Talababa

O “mamaltratuhin.”
O “may butil.”
O “bayan.”
O “ibigay.”
O “pinasuso.”
O “tingnan ang kalagayan ng.”
O “palumpong.”
O “na sagradong kapahayagan.”
O “batang baka.”
O “mag-ukol ng sagradong paglilingkod.”
O “humanap.”
Lit., “kabataang lalaking.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “natulog.”

Study Notes

Caifas: Ang mataas na saserdoteng ito, na inatasan ng mga Romano, ay isang mahusay na diplomatiko na nanungkulan nang mas mahaba kaysa sa mga nauna sa kaniya. Itinalaga siya noong mga 18 C.E. at nanatili sa puwesto hanggang mga 36 C.E. Nilitis niya si Jesus, at pagkatapos ay ibinigay niya si Jesus kay Pilato. (Mat 26:3, 57; Ju 11:49; 18:13, 14, 24, 28) Dito lang binanggit ang pangalan niya sa aklat ng Gawa. Sa ibang teksto sa Gawa, tinukoy siya bilang “mataas na saserdote.”—Gaw 5:17, 21, 27; 7:1; 9:1.

mataas na saserdote: Si Caifas.—Tingnan ang study note sa Gaw 4:6.

Umalis ka sa iyong lupain: Noong nagsasalita si Esteban sa harap ng Sanedrin, sinabi niya na natanggap ni Abraham ang utos na ito nang “ang maluwalhating Diyos ay nagpakita sa ninuno nating si Abraham habang nasa Mesopotamia siya, bago siya tumira sa Haran.” (Gaw 7:2) Si Abraham (dating tinatawag na Abram) ay unang tumira sa Caldeong lunsod ng Ur. Lumilitaw sa sinabi ni Esteban na dito unang ibinigay kay Abraham ang utos na umalis sa tirahan niya. (Gen 11:28, 29, 31; 15:7; 17:5; Ne 9:7) Kung pagbabatayan ang ulat sa Gen 11:31–12:3, para bang ibinigay ang utos na ito pagkamatay ng ama ni Abraham na si Tera, noong pansamantalang naninirahan si Abraham sa Haran. Pero kung pagsasamahin ang ulat na ito at ang sinabi ni Esteban, makatuwirang isipin na ibinigay ni Jehova kay Abraham ang utos na ito noong nakatira pa siya sa Ur at inulit lang ito ng Diyos noong nakatira na siya sa Haran.

ng Diyos: Lit., “Niya,” tumutukoy sa “maluwalhating Diyos” sa talata 2.

mga supling: Lit., “binhi.”—Tingnan ang Ap. A2.

mga supling: Lit., “binhi.”—Tingnan ang Ap. A2.

pahihirapan nang 400 taon: Sa Gen 15:13, na sinipi rito, sinabi ng Diyos kay Abram (Abraham) na aalipinin at pahihirapan nang 400 taon ang mga inapo niya. Natapos ito noong palayain ni Jehova ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Ehipto noong Nisan 14, 1513 B.C.E., kaya maliwanag na nagsimula ito noong 1913 B.C.E. Makikita sa kronolohiya ng Bibliya na noong taóng iyon, ang anak ni Abraham na si Isaac—na mga limang taóng gulang noon—ay sinimulang hamakin ni Ismael, na kapatid nito sa ama. Mga 19 na taon bago nito, ipinanganak si Ismael ng aliping Ehipsiyo ni Sarai (Sara) na si Hagar. Posibleng hinahamak ni Ismael ang nakababata niyang kapatid na si Isaac dahil ito ang tatanggap ng mana ng panganay kahit na si Ismael naman ang unang ipinanganak. (Gen 16:1-4; 21:8-10) Nang maglaon, tinawag ni Pablo na pag-uusig ang ginawa ni Ismael kay Isaac. (Gal 4:29) Lumilitaw na napakatindi ng pag-uusig na ito kaya sang-ayon si Jehova sa gusto ni Sara na palayasin ni Abraham si Ismael at ang nanay niya. (Gen 21:11-13) Kaya si Isaac ang unang supling ni Abraham na dumanas ng inihulang pagpapahirap. Maliwanag na ang pangyayaring ito, na detalyadong iniulat sa Bibliya, ang simula ng inihulang 400-taóng pagpapahirap sa mga Israelita na nagtapos sa paglaya nila sa Ehipto.

maglilingkod: O “mag-uukol ng sagradong paglilingkod; sasamba.” Ang pandiwang Griego na la·treuʹo ay pangunahin nang tumutukoy sa paglilingkod at sa ilang konteksto ay puwedeng isaling “sumamba.” Ang ikalawang bahagi ng talatang ito ay kahawig ng Exo 3:12, kung saan ang katumbas na pandiwang Hebreo ay puwedeng isaling “maglilingkod” o “sasamba.” (Exo 3:12; tlb.) Sa Bibliya, ang salitang Griego na la·treuʹo ay karaniwan nang tumutukoy sa paglilingkod sa Diyos o sa paglilingkod na may kaugnayan sa pagsamba sa kaniya (Mat 4:10; Luc 1:74; 2:37; 4:8; Ro 1:9; Fil 3:3; 2Ti 1:3; Heb 9:14; 12:28; Apo 7:15; 22:3), gaya ng paglilingkod sa templo (Heb 8:5; 9:9; 10:2; 13:10). Sa ilang pagkakataon, tumutukoy ito sa huwad na pagsamba—paglilingkod, o pagsamba, sa mga nilalang.—Gaw 7:42; Ro 1:25.

at naging anak ni Isaac si Jacob: Sa tekstong Griego, hindi inulit sa talatang ito ang mga pandiwang “naging anak” at “tinuli.” Kaya posibleng ang tinutukoy sa huling bahagi ng talata ay alinman sa mga pandiwang ito o pareho. Kaya posible rin itong isalin na “at ginawa rin iyon [pagtutuli] ni Isaac kay Jacob, at ni Jacob sa 12 ulo ng angkan.”

ulo ng angkan: O “patriyarka.” Ang salitang Griego na pa·tri·arʹkhes ay apat na beses lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Dito, tumutukoy ito sa 12 anak ni Jacob (Gen 35:23-26), at ginamit din ito para kina David (Gaw 2:29) at Abraham (Heb 7:4).

lahat-lahat ay 75: Posibleng hindi sumipi si Esteban ng partikular na teksto sa Hebreong Kasulatan nang sabihin niya na 75 lahat-lahat ang miyembro ng pamilya ni Jacob sa Ehipto. Hindi makikita ang bilang na ito sa tekstong Masoretiko ng Hebreong Kasulatan. Sinasabi sa Gen 46:26: “Ang lahat ng nagmula kay Jacob at sumama sa kaniya sa Ehipto, bukod pa sa mga asawa ng mga anak ni Jacob, ay 66.” Sinasabi naman sa talata 27: “Ang lahat ng miyembro ng sambahayan ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay 70.” Dito, binilang ang sambahayan ni Jacob sa dalawang paraan. Sa unang bilang, lumilitaw na ang kasama lang ay ang mga kadugo ni Jacob. Sa ikalawang bilang naman, posibleng binanggit ang kabuoang bilang ng pumunta sa Ehipto. Sa Exo 1:5 at Deu 10:22, “70” rin ang binanggit na bilang ng miyembro ng sambahayan ni Jacob. Kaya lumilitaw na kasama sa bilang na binanggit ni Esteban ang iba pang kamag-anak ni Jacob. Sinasabi ng ilan na kasama rito ang mga anak at apo ng mga anak ni Jose na sina Manases at Efraim, na binanggit sa Gen 46:20 ng Septuagint. Sinasabi naman ng ilan na kasama rito ang mga manugang ni Jacob, na hindi isinama sa bilang na nasa Gen 46:26. Kaya posibleng ang “75” ay ang kabuoang bilang. Pero posible rin na may basehan ang bilang na ito sa mga kopya ng Hebreong Kasulatan na ginagamit noong unang siglo C.E. Matagal nang alam ng mga iskolar na “75” ang bilang na binanggit sa Gen 46:27 at Exo 1:5 sa Griegong Septuagint. Bukod diyan, nitong ika-20 siglo, dalawang piraso mula sa Dead Sea Scroll na naglalaman ng Exo 1:5 sa wikang Hebreo ang natagpuan, at “75” rin ang mababasa sa mga ito. Puwedeng nakuha ni Esteban ang bilang na binanggit niya sa alinman sa mga manuskritong iyon. Anuman ang tama sa mga ito, ipinapakita lang ng bilang na binanggit ni Esteban ang iba pang paraan ng pagbilang sa mga miyembro ng pamilya ni Jacob.

napakaganda: Ang ekspresyong Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “maganda sa Diyos.” Kahawig ito ng idyomang Semitiko na ginagamit para tumukoy sa sukdulang antas. Sa kontekstong ito, puwede itong tumukoy sa pagiging “napakaganda” at “maganda sa paningin ng Diyos.” (Ihambing ang Exo 2:2.) Sinasabi ng ilang iskolar na ang ekspresyong ito ay hindi lang tumutukoy sa panlabas na hitsura ng isang tao, kundi pati sa panloob na katangiang nakikita ng Diyos sa kaniya. Ganito rin ang istilong ginamit sa Jon 3:3, kung saan ayon sa literal na salin ng tekstong Hebreo, ang Nineve ay inilarawan bilang “isang lunsod na dakila sa Diyos,” na nangangahulugang ito ay “isang napakalaking lunsod.”—Para sa ibang halimbawa, tingnan ang Gen 23:6; tlb.; Aw 36:6; tlb.

Nang 40 taóng gulang na siya: Maraming sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, sinabi ni Esteban na 40 taóng gulang si Moises noong tumakas ito mula sa Ehipto. Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:22, 30, 53.

40 taon: Hindi sinasabi ng Hebreong Kasulatan kung gaano katagal nanatili si Moises sa Midian. Pero may mga sinabi si Esteban tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi pa nakaulat noon sa Kasulatan. Sinabi niya na 40 taóng gulang si Moises nang tumakas ito papuntang Midian (Exo 2:11; Gaw 7:23) at na nanatili ito roon nang mga 40 taon. Kaya lumilitaw na naroon siya mula 1553 hanggang 1513 B.C.E. Ang sinabi ni Esteban ay kaayon ng ulat na 80 taóng gulang si Moises nang kausapin niya ang Paraon (Exo 7:7) at nang akayin niya ang bayan ng Israel palabas ng Ehipto. Kaayon din ito ng ulat na 120 taóng gulang si Moises nang mamatay siya pagkatapos ng 40-taóng pananatili sa ilang.—Deu 34:7; Gaw 7:36.

dinala ng mga anghel: May mga sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi nakaulat sa Hebreong Kasulatan. Ang isang halimbawa ay ang papel ng mga anghel sa pagbibigay ng Kautusang Mosaiko. (Gal 3:19; Heb 2:1, 2) Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:22, 23, 30.

itinuro kay Moises ang lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo: Maraming sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, si Esteban lang ang bumanggit ng tungkol sa edukasyong tinanggap ni Moises sa Ehipto. Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:23, 30, 53.

naisip: O “napagpasiyahan.” Lit., “pumasok sa puso.” Ang ekspresyong Griego na ito ay may kahawig na idyomang Hebreo.—Ihambing ang Isa 65:17; Jer 3:16.

mga anak ni Israel: O “bayang Israel; mga Israelita.”—Tingnan sa Glosari, “Israel.”

40 taon: Hindi sinasabi ng Hebreong Kasulatan kung gaano katagal nanatili si Moises sa Midian. Pero may mga sinabi si Esteban tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi pa nakaulat noon sa Kasulatan. Sinabi niya na 40 taóng gulang si Moises nang tumakas ito papuntang Midian (Exo 2:11; Gaw 7:23) at na nanatili ito roon nang mga 40 taon. Kaya lumilitaw na naroon siya mula 1553 hanggang 1513 B.C.E. Ang sinabi ni Esteban ay kaayon ng ulat na 80 taóng gulang si Moises nang kausapin niya ang Paraon (Exo 7:7) at nang akayin niya ang bayan ng Israel palabas ng Ehipto. Kaayon din ito ng ulat na 120 taóng gulang si Moises nang mamatay siya pagkatapos ng 40-taóng pananatili sa ilang.—Deu 34:7; Gaw 7:36.

isang anghel: Ang tinutukoy dito ni Esteban ay ang ulat sa Exo 3:2, kung saan ang mababasa sa orihinal na tekstong Hebreo ay “anghel ni Jehova.” Ang mababasa sa Gaw 7:30 sa karamihan ng mga manuskritong Griego ay “isang anghel,” pero ang mababasa sa ilang manuskrito at sinaunang salin ay “isang anghel ng Panginoon [o, “ni Jehova”].” Sa maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J7, 8, 10-12, 14-17, 28 sa Ap. C4), ginamit ang Tetragrammaton sa talatang ito at ang mababasa ay “anghel ni Jehova.”

tinig ni Jehova: Ang tinutukoy dito ni Esteban (Gaw 7:30-33) ay ang ulat sa Exo 3:2-10. Sa talata 4, tinawag ni “Jehova” si Moises sa pamamagitan ng Kaniyang anghel, at sa talata 6, makikita ang pananalita ni “Jehova” na sinipi sa Gaw 7:32. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang pariralang “tinig ni Jehova,” at kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “tinig” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa nito ay nasa Gen 3:8; Exo 15:26; Deu 5:25; 8:20; 15:5; 18:16; 26:14; 27:10; 28:1, 62; Jos 5:6; 1Sa 12:15; 1Ha 20:36; Aw 106:25; Isa 30:31; Jer 3:25; Dan 9:10; Zac 6:15.) Kapansin-pansin na nang lumitaw ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa Deu 26:14; 27:10; 28:1, 62 sa isang piraso ng Griegong Septuagint (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266) na mula noong unang siglo B.C.E., nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang mga dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa mismong teksto, kahit na “tinig ng Panginoon” ang mababasa sa Gaw 7:31 sa natitirang mga manuskritong Griego, ay ipinaliwanag sa Ap. C1 at introduksiyon sa C3; Gaw 7:31.

Sinabi ni Jehova: Ang konteksto ng ulat na isinasalaysay ni Esteban ay nasa Exo 3:2-10, kung saan maliwanag na si Jehova ang nagsasalita sa pamamagitan ng Kaniyang anghel. Kahit na ang kalakhang bahagi ng talatang ito ay galing sa Exo 3:5, ang katumbas na panimulang parirala nito ay nasa Exo 3:7 sa orihinal na tekstong Hebreo, kung saan literal na mababasa: “At sinabi ni Jehova.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 7:33.

pantubos: Ang salitang Griego na lyʹtron (mula sa pandiwang lyʹo, na nangangahulugang “pakawalan; palayain”) ay ginagamit ng sekular na mga Griegong manunulat para tumukoy sa bayad para makalaya ang isang alipin o para pakawalan ang mga bihag sa digmaan. Dalawang beses itong ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito at sa Mar 10:45. Ang kaugnay na salitang an·tiʹly·tron na ginamit sa 1Ti 2:6 ay isinalin ding “pantubos,” na nangangahulugang halaga na katumbas ng naiwala. Ang iba pang kaugnay na salita ay ly·troʹo·mai, na nangangahulugang “palayain; tubusin” (Tit 2:14; 1Pe 1:18; pati mga tlb.), at a·po·lyʹtro·sis, na karaniwang isinasalin na “palayain sa pamamagitan ng pantubos” (Efe 1:7; Col 1:14; Heb 9:15; 11:35; Ro 3:24; 8:23).​—Tingnan sa Glosari.

tagapagligtas: O “manunubos; tagapagpalaya.” Ang salitang Griego na ly·tro·tesʹ ay mula sa pandiwang ly·troʹo·mai, na nangangahulugang “palayain; iligtas.” Kaugnay rin ito ng pangngalang lyʹtron, na nangangahulugang “pantubos.” (Tingnan ang study note sa Mat 20:28.) Ang pandiwa ay ginagamit para tumukoy sa paglaya sa pamamagitan ni Jesu-Kristo (Luc 24:21; Tit 2:14, tlb.; 1Pe 1:18, tlb.), ang inihulang propeta na gaya ni Moises (Deu 18:15; Gaw 7:37). Kung paanong si Moises ang tagapagligtas ng mga Israelita mula sa Ehipto, si Jesu-Kristo naman ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng kaniyang haing pantubos.

tanda: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang salitang Griego na teʹras ay palaging ginagamit kasama ng se·meiʹon (“himala”), na parehong nasa anyong pangmaramihan. (Mat 24:24; Ju 4:48; Gaw 7:36; 14:3; 15:12; 2Co 12:12) Ang teʹras ay pangunahin nang tumutukoy sa anumang bagay na kamangha-mangha.

kamangha-manghang mga bagay: O “mga himala.”—Tingnan ang study note sa Gaw 2:19.

sa loob ng 40 taon: Ang 40 taon na ito ay mula 1513 B.C.E., nang lumaya ang mga Israelita sa Ehipto, hanggang 1473 B.C.E., nang pumasok sila sa Lupang Pangako. Bago at sa loob ng 40 taóng iyon, nagsagawa si Moises ng kamangha-manghang mga bagay at mga tanda. Halimbawa, pagkabalik ni Moises sa Ehipto, gumawa muna siya ng mga tanda sa harap ng lahat ng matatandang lalaki sa Israel. (Exo 4:30, 31) Pagkatapos, bago sila umalis sa Ehipto, ginamit ng Diyos si Moises sa paggawa ng kamangha-manghang mga bagay at mga tanda sa harap ng Paraon at ng lahat ng Ehipsiyo. May papel din siyang ginampanan nang puksain ang Paraon at ang hukbo nito sa Dagat na Pula. (Exo 14:21-31; 15:4; Deu 11:2-4) Ang isa sa pinakakamangha-manghang tanda na naiuugnay kay Moises ay ang araw-araw na pagpapaulan ng manna sa ilang. Ang himalang ito ay nagpatuloy sa loob ng 40 taon hanggang sa makakain na sila ng bunga ng lupain ng Canaan, noong pasimula ng 1473 B.C.E.—Exo 16:35; Jos 5:10-12.

Jehova: Sa pagsiping ito sa Deu 18:15, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Kapansin-pansin na nang lumitaw ang pagsiping ito sa isang lumang piraso ng Griegong Septuagint (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266), nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo (). Ang pirasong ito ay mula noong unang siglo B.C.E. (Tingnan ang Ap. A5.) Marami ring Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J7, 8, 10-12, 14-18, 20, 22-24, 28 sa Ap. C4) ang gumamit dito ng Tetragrammaton. Kaya kahit Kyʹri·os (Panginoon) ang mababasa sa natitirang mga manuskrito ng Kristiyanong Griegong Kasulatan, may makatuwirang mga dahilan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa mismong teksto.—Tingnan ang Ap. C.

mga anak ni Israel: O “bayang Israel; mga Israelita.”—Tingnan sa Glosari, “Israel.”

Diyos: Sa pagsiping ito sa Deu 18:15, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo, at ang mababasa ay “Diyos ninyong si Jehova.” Hindi kumpleto ang pagsipi ni Esteban; ginamit lang niya ang salita para sa “Diyos.” Sinipi rin ito ni Pedro sa Gaw 3:22, pero ang ginamit niya ay ang buong ekspresyon na “Diyos ninyong si Jehova.” (Tingnan ang study note sa Gaw 3:22.) May ilang Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit dito ng pangalan ng Diyos at ang mababasa ay “Diyos ninyong si Jehova” (J7, 8, 10-17) o “Diyos na Jehova” (J28). (Tingnan ang Ap. C4.) May ilang manuskritong Griego na gumamit din ng ekspresyon na puwedeng isaling “Panginoong Diyos” o “Diyos na Jehova,” batay sa mga dahilang binanggit sa Ap. C. Pero “Diyos” lang ang mababasa sa karamihan ng mga manuskritong Griego at sinaunang salin.

kongregasyon: Ito ang unang paglitaw ng terminong Griego na ek·kle·siʹa. Mula ito sa dalawang salitang Griego na ek, na nangangahulugang “labas,” at ka·leʹo, na nangangahulugang “tawagin.” Tumutukoy ito sa grupo ng mga tao na tinawag at tinipon para sa isang layunin o gawain. (Tingnan sa Glosari.) Sa kontekstong ito, inihula ni Jesus ang pagtatatag ng kongregasyong Kristiyano, na binubuo ng mga pinahirang Kristiyano, ang “mga buháy na bato [na] itinatayo bilang isang espirituwal na bahay.” (1Pe 2:4, 5) Ang terminong Griego ay madalas gamitin sa Septuagint bilang katumbas ng terminong Hebreo na isinasaling “kongregasyon,” na kadalasang tumutukoy sa buong bayan ng Diyos. (Deu 23:3; 31:30) Sa Gaw 7:38, ang mga Israelita na lumabas mula sa Ehipto ay tinawag na “kongregasyon.” Ang mga Kristiyano naman na tinawag “mula sa [o, palabas ng] kadiliman” at ‘pinili mula sa sanlibutan’ ang bumubuo sa “kongregasyon ng Diyos.”—1Pe 2:9; Ju 15:19; 1Co 1:2.

kongregasyon: Ito ang unang paglitaw ng terminong Griego na ek·kle·siʹa sa aklat ng Gawa. Mula ito sa dalawang salitang Griego na ek, na nangangahulugang “labas,” at ka·leʹo, na nangangahulugang “tawagin.” Tumutukoy ito sa grupo ng mga tao na tinawag at tinipon para sa isang layunin o gawain, kaya angkop ang terminong ito sa bagong-tatag na kongregasyong Kristiyano. (Tingnan sa Glosari.) Ang salitang ek·kle·siʹa ay ginamit sa Mat 16:18 (tingnan ang study note), kung saan inihula ni Jesus ang pagtatatag ng kongregasyong Kristiyano, na binubuo ng mga pinahirang Kristiyano. Sila ay mga buháy na bato na “itinatayo bilang isang espirituwal na bahay.” (1Pe 2:4, 5) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang terminong ito ay hindi lang tumutukoy sa lahat ng pinahirang Kristiyano, kundi pati sa lahat ng Kristiyanong nakatira sa isang lugar o sa mga Kristiyanong miyembro ng isang partikular na kongregasyon. Batay sa konteksto ng Gaw 5:11, ang terminong ito ay tumutukoy sa kongregasyong Kristiyano sa Jerusalem.—Tingnan ang study note sa Gaw 7:38.

kongregasyon sa ilang: Dito, ang mga Israelitang pinalabas mula sa Ehipto ay tinawag na “kongregasyon.” Sa Hebreong Kasulatan, ang salitang Hebreo na qa·halʹ, na karaniwang isinasaling “kongregasyon” sa Bagong Sanlibutang Salin, ay mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “tipunin.” (Bil 20:8; Deu 4:10) Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit sa mga Israelita para ipakita na isa silang organisadong grupo; tinatawag silang “kongregasyon ng Israel” (Lev 16:17; Jos 8:35; 1Ha 8:14), “kongregasyon ng tunay na Diyos” (Ne 13:1), at “kongregasyon ni Jehova” (Bil 20:4; Deu 23:2, 3; 1Cr 28:8; Mik 2:5). Sa Septuagint, ang salitang Hebreo na qa·halʹ ay madalas na tinutumbasan ng salitang Griego na ek·kle·siʹa (gaya sa Aw 22:22 [21:23, LXX]), ang ekspresyong ginamit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan para sa “kongregasyon.”—Tingnan ang study note sa Mat 16:18; Gaw 5:11.

tolda ng patotoo: O “tabernakulo ng patotoo.” Sa Septuagint, na posibleng nakaimpluwensiya sa paraan ng pagsulat ni Lucas sa talatang ito, ang ekspresyong ito ay ginamit para isalin ang terminong Hebreo para sa “tolda ng pagpupulong.” (Exo 27:21; 28:43; Bil 1:1) Noong nasa ilang ang mga Israelita, nasa toldang ito ang kaban ng tipan, na naglalaman ng “dalawang tapyas ng Patotoo.” Sa mga kontekstong ito, ang terminong “Patotoo” ay kadalasan nang tumutukoy sa Sampung Utos na nakasulat sa mga tapyas ng bato. (Exo 25:16, 21, 22; 31:18; 32:15) Ang terminong Hebreo para sa “patotoo” ay puwede ring isaling “paalala.” Ang kaban ay nagsilbing banal na taguan ng mga sagradong paalala o patotoo.—Tingnan sa Glosari, “Kaban ng tipan” at “Kabanal-banalan.”

parisang: O “disenyong.” Ang kahulugan ng salitang Griego na ginamit dito, tyʹpos, ay kapareho ng kahulugan ng tyʹpos sa Heb 8:5 at sa salin ng Septuagint sa Exo 25:40.

Josue: Ang lider ng Israel na nanguna sa mga Israelita papasók sa Lupang Pangako. (Deu 3:28; 31:7; Jos 1:1, 2) Ang pangalang Hebreo na Jehosua at ang pinaikling anyo nito na Josue ay nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan.” Ginamit dito ni Lucas ang katumbas nito sa Griego, I·e·sousʹ. Ang pangalang ito sa Latin ay Jesus (Iesus). (Tingnan ang Ap. A4.) Karaniwan lang ang pangalang ito sa mga Judio noong panahon ng Bibliya. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, apat na tao ang may Griegong pangalan na I·e·sousʹ: si Josue, na anak ni Nun at humalili kay Moises (Gaw 7:45; Heb 4:8); isang ninuno ni Jesu-Kristo (Luc 3:29); si Jesu-Kristo mismo (Mat 1:21); at isang Kristiyano, na kamanggagawa ni Pablo at lumilitaw na isang Judio (Col 4:11). Bukod sa mga makikita sa Bibliya, may iba pang binanggit si Josephus na ganito rin ang pangalan.

bahay na gawa ng mga kamay: O “lugar (bagay) na gawa ng mga kamay.” Ang salitang Griego na khei·ro·poiʹe·tos ay ginamit din sa Gaw 17:24 (“gawa ng tao”) at Heb 9:11, 24 (“gawa ng mga kamay”).

Jehova: Sa pagsiping ito sa Isa 66:1, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Ang pariralang isinaling sabi ni Jehova ay katumbas ng unang bahagi ng Isa 66:1 (“Ito ang sinabi ni Jehova”) at ng parirala sa gitna ng sumunod na talata (“ang sabi ni Jehova”).—Isa 66:2; tingnan ang Ap. C.

mapagmatigas: Lit., “matigas ang leeg.” Ang salitang Griego na ginamit dito ay isang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan pero ilang beses na lumitaw sa Septuagint para ipanumbas sa isang ekspresyong Hebreo na may kaparehong kahulugan.—Exo 33:3, 5, mga tlb.; 34:9, tlb.; Deu 9:6, tlb.; Kaw 29:1, tlb.

di-tuli ang mga puso at tainga: Ang ekspresyong ito na tumutukoy sa pagiging matigas ang ulo at di-masunurin ay ginagamit din sa Hebreong Kasulatan. (Lev 26:41, tlb.; Jer 9:25, 26; Eze 44:7, 9) Sa Jer 6:10 (tlb.), ang pariralang “di-tuli ang mga tainga nila” ay isinaling “sarado ang mga tainga nila.” Kaya ang mga pusong manhid at taingang di-nakikinig sa tagubilin ng Diyos ay sinasabing di-tuli.

itinuro kay Moises ang lahat ng karunungan ng mga Ehipsiyo: Maraming sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, si Esteban lang ang bumanggit ng tungkol sa edukasyong tinanggap ni Moises sa Ehipto. Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:23, 30, 53.

Nang 40 taóng gulang na siya: Maraming sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan. Halimbawa, sinabi ni Esteban na 40 taóng gulang si Moises noong tumakas ito mula sa Ehipto. Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:22, 30, 53.

40 taon: Hindi sinasabi ng Hebreong Kasulatan kung gaano katagal nanatili si Moises sa Midian. Pero may mga sinabi si Esteban tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi pa nakaulat noon sa Kasulatan. Sinabi niya na 40 taóng gulang si Moises nang tumakas ito papuntang Midian (Exo 2:11; Gaw 7:23) at na nanatili ito roon nang mga 40 taon. Kaya lumilitaw na naroon siya mula 1553 hanggang 1513 B.C.E. Ang sinabi ni Esteban ay kaayon ng ulat na 80 taóng gulang si Moises nang kausapin niya ang Paraon (Exo 7:7) at nang akayin niya ang bayan ng Israel palabas ng Ehipto. Kaayon din ito ng ulat na 120 taóng gulang si Moises nang mamatay siya pagkatapos ng 40-taóng pananatili sa ilang.—Deu 34:7; Gaw 7:36.

dinala ng mga anghel: May mga sinabi si Esteban sa harap ng Sanedrin tungkol sa kasaysayan ng mga Judio na hindi nakaulat sa Hebreong Kasulatan. Ang isang halimbawa ay ang papel ng mga anghel sa pagbibigay ng Kautusang Mosaiko. (Gal 3:19; Heb 2:1, 2) Para sa iba pang sinabi ni Esteban na hindi mababasa sa Hebreong Kasulatan, tingnan ang study note sa Gaw 7:22, 23, 30.

magngangalit ang mga ngipin nila: Nagpapahiwatig ito ng matinding stress, kawalan ng pag-asa, at galit, na posibleng may kasama pang pagsasalita ng masakit at marahas na paggawi.

galit na galit sila sa kaniya: O “para niya silang sinugatan.” Ang ekspresyong Griego na ito ay dito lang lumitaw at sa Gaw 5:33. Literal itong nangangahulugang “lagariin,” pero makasagisag ang pagkakagamit nito sa parehong teksto—inilalarawan nito ang isang matinding damdamin.

nagngalit ang mga ngipin nila: Nagpapahiwatig ito ng matinding stress, kawalan ng pag-asa, o galit, na posibleng may kasama pang pagsasalita ng masakit at marahas na paggawi. Sa kontekstong ito, maliwanag na tumutukoy ito sa matinding galit.—Job 16:9; tingnan ang study note sa Mat 8:12.

sa kaniyang kanan . . . sa kaniyang kaliwa: Sa ilang konteksto, ang mga posisyong ito ay parehong nagpapahiwatig ng karangalan at awtoridad (Mat 20:21, 23), pero laging nasa kanan ang may pinakamalaking karangalan (Aw 110:1; Gaw 7:55, 56; Ro 8:34). Pero dito at sa Mat 25:34, 41, may malinaw na pagkakaiba ang dalawang puwestong ito: ang mga nasa kanan ay sinasang-ayunan ng Hari, at ang mga nasa kaliwa naman ay hindi niya sinasang-ayunan.—Ihambing ang Ec 10:2, tlb.

ang isa sa kanan mo at ang isa sa kaliwa mo: Dito, ang mga posisyong ito ay parehong nagpapahiwatig ng karangalan at awtoridad, pero laging nasa kanan ang may pinakamalaking karangalan.​—Aw 110:1; Gaw 7:55, 56; Ro 8:34; tingnan ang study note sa Mat 25:33.

kanan ng makapangyarihang Diyos: Lit., “kanan ng kapangyarihan ng Diyos.” Ang pagpuwesto sa kanan ng isang tagapamahala ay nangangahulugang pumapangalawa siya rito sa kapangyarihan. (Aw 110:1; Gaw 7:55, 56) Ang ekspresyong Griego para sa ‘kanan ng makapangyarihan’ ay mababasa rin sa mga kaparehong ulat sa Mat 26:64 at Mar 14:62. Ang pag-upo ng Anak ng tao sa “kanan ng makapangyarihang Diyos” ay nagpapahiwatig na tatanggap si Jesus ng kapangyarihan, o awtoridad.​—Mar 14:62; tingnan ang study note sa Mat 26:64.

Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos: Si Esteban ang unang nagpatotoo na nakita niya si Jesus sa langit na nakatayo sa kanan ng Diyos, gaya ng inihula sa Aw 110:1. Ang kanang posisyon ay nagpapahiwatig na napakahalaga ng nakapuwesto roon. Ang pagpuwesto sa kanan ng isang tagapamahala ay nangangahulugang pumapangalawa siya rito sa kapangyarihan (Ro 8:34; 1Pe 3:22) o pinapaboran siya nito.—Tingnan ang study note sa Mat 25:33; Mar 10:37; Luc 22:69.

Saul: Ibig sabihin, “Hiniling [sa Diyos]; Isinangguni [sa Diyos].” Si Saul, na kilalá rin sa Romanong pangalan na Pablo, ay “mula sa tribo ni Benjamin, isang Hebreo na may mga magulang na Hebreo.” (Fil 3:5) Ipinanganak na mamamayang Romano si Saul (Gaw 22:28), kaya makatuwiran lang isipin na kahit Judio ang mga magulang niya, binigyan siya ng mga ito ng Romanong pangalan na Paulo, o Pablo, na nangangahulugang “Munti; Maliit.” Malamang na pareho niyang ginagamit ang pangalang ito mula pagkabata. Maraming posibleng dahilan kung bakit siya pinangalanang Saul ng mga magulang niya. Mahalaga ang pangalang Saul sa mga Benjaminita dahil ang pinakaunang hari sa buong Israel, na isang Benjaminita, ay nagngangalang Saul. (1Sa 9:2; 10:1; Gaw 13:21) O posibleng pinangalanan siyang Saul dahil sa kahulugan nito. Posible ring ang pangalan ng tatay niya ay Saul, at kaugalian noon na isunod ang pangalan ng anak sa pangalan ng ama. (Ihambing ang Luc 1:59.) Anuman ang dahilan, malamang na ginagamit niya ang Hebreong pangalan na Saul kapag kasama niya ang mga kapuwa niya Judio—lalo na noong nag-aaral pa siya para maging Pariseo at noong Pariseo na siya. (Gaw 22:3) At pagkatapos ng mahigit isang dekada mula nang maging Kristiyano siya, lumilitaw na kilala pa rin siya ng karamihan sa Hebreong pangalan niya.—Gaw 11:25, 30; 12:25; 13:1, 2, 9.

Jehova: Sa mga natitirang manuskritong Griego, “Panginoon” (Kyʹri·os) ang ginamit dito. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang titulong ito ay madalas na tumutukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Dito, maliwanag na tumutukoy ito sa Diyos na Jehova dahil sa sumusunod na mga dahilan: Inulit lang ni Esteban dito ang sinabi ni Jesus sa kaniyang Ama na nasa Luc 23:34: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.” Nang iulat ni Lucas sa Gaw 7:2-53 ang sinabi ni Esteban, tatlong beses niyang ginamit ang terminong Kyʹri·os. Ang tatlong paglitaw na iyon ay mula sa Hebreong Kasulatan at maliwanag na tumutukoy sa Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 7:31, 33, 49.) Maraming komentarista at tagapagsalin ang naniniwala na sa mga kontekstong ito, ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jehova. (Tingnan ang Ap. C.) Lumitaw rin ang terminong Kyʹri·os sa Gaw 7:59, pero doon, maliwanag na ang tinatawag ni Esteban ay ang “Panginoong Jesus.” Gayunman, hindi ibig sabihin nito na kay Jesus din tumutukoy ang Kyʹri·os sa Gaw 7:60, gaya ng sinasabi ng ilan. Ang mga sinabi ni Esteban sa talata 59 at talata 60 ay hindi magkarugtong. Nakatayo noong una si Esteban, kaya noong lumuhod siya sa harap ng mga kaaway niya, malamang na ginawa niya ito para manalangin kay Jehova. (Ihambing ang Luc 22:41; Gaw 9:40; 20:36; 21:5, kung saan ang pagluhod ay iniuugnay sa pananalangin sa Diyos.) Kaya lumilitaw na ang huling mga sinabi ni Esteban ay panalangin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, si Jehova. Bukod diyan, sinasabi sa Gaw 7:56 na nakita ni Esteban na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao,” kaya makatuwirang isipin na kausap niya si Jesus sa talata 59 at si Jehova naman sa talata 60. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J17, 18, 22, 23 sa Ap. C4) ang gumamit ng Tetragrammaton sa talata 60, pero hindi ito ginamit sa talata 59 para ipanumbas sa ekspresyong “Panginoong Jesus.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 7:60.

nagsumamo siya: “Panginoong Jesus”: Gaya ng binanggit sa talata 55 at 56, nakita ni Esteban sa isang pangitain na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao.” Kaya maliwanag na alam ni Esteban na magkaiba si Jehova at si Jesus. Alam ni Esteban na binigyan ni Jehova si Jesus ng kapangyarihang bumuhay-muli. Kaya hindi na nakakapagtaka na kinausap ni Esteban si Jesus, na nakita niya sa pangitain, para hilinging ingatan ang “buhay” niya. (Ju 5:27-29) Tinawag ni Esteban si Jesus na “Panginoong Jesus [sa Griego, Kyʹri·e I·e·souʹ].” Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang Kyʹri·os ay puwedeng tumukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, pero dito, maliwanag sa konteksto na ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jesus. Ang salitang Griego na isinalin ditong “nagsumamo siya” ay iba sa salitang karaniwang ginagamit para sa “nanalangin” sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Pero ang salitang ito ay isinaling “nanalangin” sa maraming Bibliya, kaya nagmumukhang nanalangin si Esteban kay Jesus. Gayunman, sinasabi ng maaasahang mga reperensiya na ang salitang Griego na ginamit dito (e·pi·ka·leʹo) ay nangangahulugang “tumawag; magsumamo; umapela sa awtoridad,” at madalas itong isalin sa ganitong paraan. (Gaw 2:21; 9:14; Ro 10:13; 2Ti 2:22) Ito rin ang salitang ginamit sa pagsasalin sa sinabi ni Pablo: “Umaapela ako kay Cesar!” (Gaw 25:11) Kaya hindi makatuwirang isipin na nanalangin si Esteban kay Jesus. Nagsumamo lang siya kay Jesus dahil nakita niya ito sa pangitain.—Tingnan ang study note sa Gaw 7:60.

tinig ni Jehova: Ang tinutukoy dito ni Esteban (Gaw 7:30-33) ay ang ulat sa Exo 3:2-10. Sa talata 4, tinawag ni “Jehova” si Moises sa pamamagitan ng Kaniyang anghel, at sa talata 6, makikita ang pananalita ni “Jehova” na sinipi sa Gaw 7:32. Maraming beses na ginamit sa Hebreong Kasulatan ang pariralang “tinig ni Jehova,” at kombinasyon ito ng salitang Hebreo para sa “tinig” at ng Tetragrammaton. (Ang ilang halimbawa nito ay nasa Gen 3:8; Exo 15:26; Deu 5:25; 8:20; 15:5; 18:16; 26:14; 27:10; 28:1, 62; Jos 5:6; 1Sa 12:15; 1Ha 20:36; Aw 106:25; Isa 30:31; Jer 3:25; Dan 9:10; Zac 6:15.) Kapansin-pansin na nang lumitaw ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa Deu 26:14; 27:10; 28:1, 62 sa isang piraso ng Griegong Septuagint (sa koleksiyong Papyrus Fouad Inv. 266) na mula noong unang siglo B.C.E., nakasulat ang pangalan ng Diyos sa kuwadradong mga letrang Hebreo. Ang mga dahilan kung bakit ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang ekspresyong “tinig ni Jehova” sa mismong teksto, kahit na “tinig ng Panginoon” ang mababasa sa Gaw 7:31 sa natitirang mga manuskritong Griego, ay ipinaliwanag sa Ap. C1 at introduksiyon sa C3; Gaw 7:31.

Sinabi ni Jehova: Ang konteksto ng ulat na isinasalaysay ni Esteban ay nasa Exo 3:2-10, kung saan maliwanag na si Jehova ang nagsasalita sa pamamagitan ng Kaniyang anghel. Kahit na ang kalakhang bahagi ng talatang ito ay galing sa Exo 3:5, ang katumbas na panimulang parirala nito ay nasa Exo 3:7 sa orihinal na tekstong Hebreo, kung saan literal na mababasa: “At sinabi ni Jehova.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 7:33.

Jehova: Sa pagsiping ito sa Isa 66:1, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Ang pariralang isinaling sabi ni Jehova ay katumbas ng unang bahagi ng Isa 66:1 (“Ito ang sinabi ni Jehova”) at ng parirala sa gitna ng sumunod na talata (“ang sabi ni Jehova”).—Isa 66:2; tingnan ang Ap. C.

Hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya: Sa Bibliya, ang kamatayan ay madalas na ihambing sa pagtulog. (Aw 13:3; Ju 11:11-14; Gaw 7:60, tlb.; 1Co 7:39, tlb.; 15:51; 1Te 4:13, tlb.) Bubuhaying muli ni Jesus ang batang babae, kaya malamang na sinabi niya ito para ipakita na kung paanong puwedeng gisingin ang isang taong mahimbing ang tulog, puwede ring mabuhay-muli ang mga patay. Ang kapangyarihang ginamit ni Jesus para buhayin ang bata ay galing sa kaniyang Ama, “na bumubuhay ng mga patay at tumatawag sa mga bagay na wala, na para bang umiiral ang mga iyon.”—Ro 4:17.

natutulog: Sa Bibliya, ang kamatayan ay madalas na ihambing sa pagtulog. (Aw 13:3; Mar 5:39; Gaw 7:60, tlb.; 1Co 7:39, tlb.; 15:51; 1Te 4:13, tlb.) Bubuhaying muli ni Jesus si Lazaro, kaya malamang na sinabi niya ito para ipakita na kung paanong puwedeng gisingin ang isang taong mahimbing ang tulog, puwede ring mabuhay-muli ang mga patay. Ang kapangyarihang ginamit ni Jesus para buhayin si Lazaro ay galing sa kaniyang Ama, “na bumubuhay ng mga patay at tumatawag sa mga bagay na wala, na para bang umiiral ang mga iyon.”—Ro 4:17; tingnan ang study note sa Mar 5:39; Gaw 7:60.

Jehova: Sa mga natitirang manuskritong Griego, “Panginoon” (Kyʹri·os) ang ginamit dito. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang titulong ito ay madalas na tumutukoy sa Diyos na Jehova o kay Jesu-Kristo, depende sa konteksto. Dito, maliwanag na tumutukoy ito sa Diyos na Jehova dahil sa sumusunod na mga dahilan: Inulit lang ni Esteban dito ang sinabi ni Jesus sa kaniyang Ama na nasa Luc 23:34: “Ama, patawarin mo sila, dahil hindi nila alam ang ginagawa nila.” Nang iulat ni Lucas sa Gaw 7:2-53 ang sinabi ni Esteban, tatlong beses niyang ginamit ang terminong Kyʹri·os. Ang tatlong paglitaw na iyon ay mula sa Hebreong Kasulatan at maliwanag na tumutukoy sa Diyos. (Tingnan ang study note sa Gaw 7:31, 33, 49.) Maraming komentarista at tagapagsalin ang naniniwala na sa mga kontekstong ito, ang Kyʹri·os ay tumutukoy kay Jehova. (Tingnan ang Ap. C.) Lumitaw rin ang terminong Kyʹri·os sa Gaw 7:59, pero doon, maliwanag na ang tinatawag ni Esteban ay ang “Panginoong Jesus.” Gayunman, hindi ibig sabihin nito na kay Jesus din tumutukoy ang Kyʹri·os sa Gaw 7:60, gaya ng sinasabi ng ilan. Ang mga sinabi ni Esteban sa talata 59 at talata 60 ay hindi magkarugtong. Nakatayo noong una si Esteban, kaya noong lumuhod siya sa harap ng mga kaaway niya, malamang na ginawa niya ito para manalangin kay Jehova. (Ihambing ang Luc 22:41; Gaw 9:40; 20:36; 21:5, kung saan ang pagluhod ay iniuugnay sa pananalangin sa Diyos.) Kaya lumilitaw na ang huling mga sinabi ni Esteban ay panalangin sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, si Jehova. Bukod diyan, sinasabi sa Gaw 7:56 na nakita ni Esteban na “bukás ang langit at nakatayo sa kanan ng Diyos ang Anak ng tao,” kaya makatuwirang isipin na kausap niya si Jesus sa talata 59 at si Jehova naman sa talata 60. Maraming Hebreong salin ng Kristiyanong Griegong Kasulatan (may code na J17, 18, 22, 23 sa Ap. C4) ang gumamit ng Tetragrammaton sa talata 60, pero hindi ito ginamit sa talata 59 para ipanumbas sa ekspresyong “Panginoong Jesus.”—Tingnan ang introduksiyon sa Ap. C3; Gaw 7:60.

namatay siya: Sa Kasulatan, ginagamit ang ekspresyong “natutulog” para tumukoy sa literal na pagtulog (Mat 28:13; Luc 22:45; Ju 11:12; Gaw 12:6) at sa pagtulog sa kamatayan (Ju 11:11; Gaw 7:60; tlb.; 13:36; tlb.; 1Co 7:39; tlb.; 15:6; tlb.; 1Co 15:51; 2Pe 3:4; tlb.). Kapag ginagamit ang mga ekspresyong ito may kaugnayan sa kamatayan, madalas gamitin ng mga tagapagsalin ng Bibliya ang pananalitang “natulog sa kamatayan” o “namatay” para hindi malito ang mga mambabasa. Sa Kasulatan, ang terminong “natutulog” ay ginagamit sa makasagisag na paraan para tumukoy sa mga namatay dahil sa kasalanan at kamatayan na naipasa ni Adan.—Tingnan ang study note sa Mar 5:39; Ju 11:11.

Media