Pumunta sa nilalaman

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa mga Dinosaur?

Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa mga Dinosaur?

Ang sagot ng Bibliya

 Hindi direktang binabanggit sa Bibliya ang mga dinosaur. Pero sinasabi ng Bibliya na ang Diyos ang ‘lumalang sa lahat ng bagay,’ kaya masasabing kasama sila sa mga bagay na nilikha niya. a (Apocalipsis 4:11) Hindi man espesipikong binanggit ang mga dinosaur, may mga uri ng nilalang na tinukoy sa Bibliya na maaaring kinabibilangan nila:

Nag-evolve ba ang mga dinosaur mula sa ibang hayop?

 Sa halip na unti-unting lumitaw na parang nag-evolve, biglang lumitaw sa rekord ng fossil ang mga dinosaur. Kaayon ito ng sinasabi ng Bibliya na nilikha ng Diyos ang lahat ng hayop. Halimbawa, sinasabi sa Awit 146:6 na Diyos ang “Maylikha ng langit at ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon.”

Kailan nabuhay ang mga dinosaur?

 Sinasabi sa Bibliya na nilikha ang mga hayop sa dagat at sa lupa noong ikalima at ikaanim na mga araw, o panahon, ng paglalang. b (Genesis 1:20-25, 31) Kaya ipinahihiwatig ng Bibliya na lumitaw at umiral ang mga dinosaur sa loob ng mahabang panahon.

Dinosaur ba ang Behemot at ang Leviatan?

 Hindi. Hindi matiyak kung ano talaga ang mga hayop na ito na binanggit sa aklat ng Job. Pero karaniwang sinasabi na ang Behemot ay ang hipopotamus at ang Leviatan naman ay ang buwaya. Kaayon ito ng paglalarawan sa kanila na mababasa sa Kasulatan. (Job 40:15-23; 41:1, 14-17, 31) Pero ang mga terminong “Behemot” at “Leviatan” ay hindi puwedeng tumukoy sa mga dinosaur. Sinabihan ng Diyos si Job na pagmasdang mabuti ang mga hayop na ito, at nabuhay si Job pagkalipas ng napakahabang panahon noong wala na ang mga dinosaur.—Job 40:16; 41:8.

Ano ang nangyari sa mga dinosaur?

 Walang binabanggit sa Bibliya tungkol sa pagkawala ng mga dinosaur. Pero sinasabi nito na ang lahat ng bagay ay nilalang ‘dahil sa kalooban ng Diyos,’ kaya malinaw na may layunin ang Diyos sa paggawa niya sa mga dinosaur. (Apocalipsis 4:11) Nang matupad ang layuning iyan, hinayaan ng Diyos na mawala na ang mga dinosaur.

a Pinatutunayan ng rekord ng fossil na nabuhay ang mga dinosaur. Sa katunayan, ipinakikita ng mga fossil na may panahong umiral ang maraming dinosaur na iba’t iba ang uri at laki.

b Sa Bibliya, ang salitang “araw” ay puwedeng tumukoy sa mga yugto ng panahon na umaabot nang mga libong taon.—Genesis 1:31; 2:1-4; Hebreo 4:4, 11.