Mga Awit 146:1-10

146  Purihin si Jah!*+ Pupurihin ko si Jehova nang buo kong pagkatao.+   Pupurihin ko si Jehova sa buong buhay ko. Aawit ako ng mga papuri* sa aking Diyos hangga’t nabubuhay ako.   Huwag kayong umasa sa mga pinuno*O sa anak ng tao, na hindi makapagliligtas.+   Ang hininga* niya ay nawawala, bumabalik siya sa lupa;+Sa araw ding iyon ay naglalaho ang pag-iisip niya.+   Maligaya ang humihingi ng tulong sa Diyos ni Jacob,+At umaasa kay Jehova na kaniyang Diyos,+   Ang Maylikha ng langit at lupa,Ng dagat, at ng lahat ng naroon,+Ang Diyos na laging tapat,+   Ang nagbibigay ng katarungan sa mga dinaraya,Ang nagbibigay ng tinapay sa gutom.+ Pinalalaya ni Jehova ang mga bilanggo.*+   Idinidilat ni Jehova ang mga mata ng mga bulag;+Itinatayo ni Jehova ang mga nakayukod;+Iniibig ni Jehova ang mga matuwid.   Pinoprotektahan ni Jehova ang mga dayuhan sa lupain;Tinutulungan niya ang batang walang ama at ang biyuda,+Pero binibigo niya ang plano ng masasama.+ 10  Si Jehova ay magiging Hari magpakailanman,+Ang iyong Diyos, O Sion, sa lahat ng henerasyon. Purihin si Jah!*

Talababa

O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “sa makapangyarihang mga tao.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “nakagapos.”
O “Hallelujah!” Ang “Jah” ay pinaikling anyo ng pangalang Jehova.

Study Notes

Media