Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

CreativeDesignArt/DigitalVision Vectors via Getty Images

PATULOY NA MAGBANTAY!

Posible Ba Talaga ang Racial Equality?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

Posible Ba Talaga ang Racial Equality?—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?

 Para sa marami, hanggang pangarap lang ang racial equality o pagkakapantay-pantay ng lahi.

  •   “Patuloy na nilalason ng racism ang mga organisasyon, iba’t ibang grupo sa lipunan, pati na ang buhay ng bawat tao. Hangga’t meron nito, hindi magiging pantay ang pagtrato ng mga tao sa isa’t isa.”—António Guterres, UN Secretary-General.

 Posible ba talaga ang pagkakapantay-pantay ng lahi? Ano ang sinasabi ng Bibliya?

Ang tingin ng Diyos sa iba’t ibang lahi

 Mababasa sa Bibliya ang tingin ng Diyos sa iba’t ibang lahi.

  •   “Mula sa isang tao, ginawa [ng Diyos] ang lahat ng bansa para manirahan sa ibabaw ng lupa.”—Gawa 17:26.

  •   “Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”—Gawa 10:34, 35.

 Sinasabi ng Bibliya na iisa ang pinagmulan ng mga tao at na tinatanggap ng Diyos ang lahat, anuman ang lahi nila.

Kung paano magkakaroon ng pagkakapantay-pantay ng lahi

 Magiging pantay-pantay lang ang mga tao sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, isang gobyerno sa langit. Ituturo ng gobyernong ito kung paano dapat pakitunguhan ng mga tao ang isa’t isa. Hindi na nila maiisip ang diskriminasyon sa lahi.

  •   “Ang mga nakatira sa lupain ay [matututo] ng katuwiran.”—Isaias 26:9.

  •   “Ang resulta ng tunay na katuwiran ay kapayapaan, at ang bunga ng tunay na katuwiran ay walang-hanggang kapanatagan at katahimikan.”—Isaias 32:17.

 Sa ngayon, milyon-milyon na ang naturuan ng Bibliya kung paano magpapakita ng respeto at dignidad sa iba.