Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Magpakita ng Pag-ibig

Magpakita ng Pag-ibig

Ang Problema

Hindi madaling alisin ang diskriminasyong nararamdaman natin. Gaya ito ng virus na kailangan ng panahon at pagsisikap para maalis. Ano ang puwede mong gawin?

Prinsipyo sa Bibliya

“Magpakita kayo ng pag-ibig, dahil lubusan nitong pinagkakaisa ang mga tao.”​—COLOSAS 3:14.

Ang ibig sabihin: Mas napapalapít ang mga tao sa isa’t isa kapag gumagawa sila ng mabuti. Habang mas nagpapakita ka ng pag-ibig sa iba, mas nababawasan ang nararamdaman mong diskriminasyon. Kapag pinunô mo ng pag-ibig ang puso mo, mawawalan na ng lugar ang inis at galit.

Ang Puwede Mong Gawin

Kung negatibo ang tingin mo sa isang grupo, mag-isip ng mga paraan para makapagpakita ka ng pag-ibig sa kanila—kahit sa maliliit na bagay lang. Subukan ang ilan sa mga ito:

Tuwing nagpapakita ka ng pag-ibig sa iba, nababawasan nang nababawasan ang nararamdaman mong diskriminasyon

  • Magpakita ng kabutihan sa kanila. Halimbawa, puwede mo silang pagbuksan ng pinto o paupuin sa upuan mo sa bus o sa tren.

  • Kumustahin sila kahit hiráp silang magsalita ng wika mo.

  • Pagpasensiyahan sila kapag hindi mo naiintindihan ang mga ikinikilos nila.

  • Makinig na mabuti kapag nagkukuwento sila ng mga problema nila.