Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 SULYAP SA NAKARAAN

Cirong Dakila

Cirong Dakila

Noong gabi ng Oktubre 5/6, 539 B.C.E., isang tila imposibleng bagay ang naganap sa lunsod ng Babilonya, ang kabisera ng Imperyo ng Babilonya. Nang gabing iyon, ang lunsod ay pinabagsak ng hukbo ng mga Medo at Persiano, sa pangunguna ng hari ng Persia na si Ciro, na kilala rin bilang Cirong Dakila. Napakahusay ng estratehiya niya.

KUNG PAANO NILUPIG NI CIRO ANG BABILONYA

“Nang ipasiya ni Ciro na sakupin ang Babilonya, ito na ang pinakatinitingala sa mga lunsod sa Gitnang Silangan—marahil sa lahat ng lunsod sa daigdig,” ang sabi ng aklat na Ancient World Leaders—Cyrus the Great. Ang Babilonya ay dinadaluyan ng Ilog Eufrates, na dumadaloy rin sa mga bambang na nakapalibot sa napakalalaking pader ng lunsod. Dahil sa mga depensang ito, parang imposibleng mapasok ang lunsod.

Inilihis ng mga tauhan ni Ciro ang tubig ng Eufrates na dumadaloy patungong Babilonya, kaya bumabaw ang tubig sa lunsod. Saka lumusong ang mga sundalo patungo sa mga pintuang-daan nito, na naiwang bukás, anupat nasakop ang Babilonya nang walang kahirap-hirap. Ayon sa mga Griegong istoryador na sina Herodotus at Xenophon, kampante ang mga taga-Babilonya na hindi basta-basta mapapasok ang kanilang lunsod. Sa katunayan, noong gabing salakayin sila, marami ang nagkakasayahan, pati na ang hari! (Tingnan ang kahong  “Ang Sulat-Kamay ay Nasa Pader.”) Karagdagan pa, ang pananakop ni Ciro ay katuparan ng ilang kamangha-manghang hula sa Bibliya.

Inihula ng Bibliya ang paglupig ni Ciro sa Babilonya

 KAMANGHA-MANGHANG MGA HULA

Lalong kahanga-hanga ang mga hula ni Isaias dahil isinulat ito mga 200 taon patiuna—marahil 150 taon pa nga bago isilang si Ciro! Pansinin ang sumusunod:

ISANG MAKAHIMALANG PAGLILIGTAS

Bago nito, noong 607 B.C.E., winasak ng mga hukbo ng Babilonya ang Jerusalem at dinalang bihag ang karamihan sa natirang buháy. Gaano katagal magiging bihag ang mga Judio? Sinabi ng Diyos: “Kapag naganap na ang pitumpung taon ay hihingi ako ng sulit laban sa hari ng Babilonya at laban sa bansang iyon . . . at iyon ay gagawin kong mga tiwangwang na kaguhuan hanggang sa panahong walang takda.”—Jeremias 25:12.

Gaya ng nabanggit, nilupig ni Ciro ang Babilonya noong 539 B.C.E. Pagkatapos, pinalaya niya ang mga Judio, na nakauwi sa kanilang sariling lupain noong 537 B.C.E.—eksaktong 70 taon matapos silang ipatapon. (Ezra 1:1-4) Ang Babilonya naman ay naging “mga tiwangwang na kaguhuan.” Muling pinatutunayan nito na tumpak ang mga hula ng Bibliya.

BAKIT KA DAPAT MAGING INTERESADO RITO?

Pag-isipan ito: Inihula ng Bibliya (1) ang 70-taóng pagkatapon ng mga Judio, (2) ang paglupig ni Ciro sa Babilonya at ang gagamitin niyang estratehiya, at (3) ang lubusang pagkatiwangwang ng Babilonya. Hindi maaaring magmula sa tao ang mga impormasyong iyan! Ito ang mas makatuwirang konklusyon: “Ang hula ay hindi kailanman dumating sa pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi ang mga tao ay nagsalita mula sa Diyos.” (2 Pedro 1:21) Maliwanag, nararapat lang na bigyang-pansin natin ang sinasabi ng Bibliya.

^ par. 36 Ang mga salita ay tumutukoy sa timbang ng salapi. Para sa detalyadong paliwanag, tingnan ang kabanata 7 ng aklat na Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel! na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova.