Isaias 45:1-25

45  Ito ang sinabi ni Jehova sa kaniyang pinili,* kay Ciro,+Na ang kanang kamay ay hinawakan ko+Para talunin ang mga bansa sa harap niya,+Para alisan ng lakas ang* mga hari,Para buksan sa harap niya ang dobleng pintoAt hindi maisara ang mga pintuang-daan:   “Mauuna ako sa iyo,+At papatagin ko ang mga burol. Wawasakin ko ang mga tansong pinto,At puputulin ko ang mga halang na bakal.+   Ibibigay ko sa iyo ang mga kayamanang nasa kadilimanAt ang mga kayamanang nakatago sa lihim na mga lugar,+Para malaman mo na ako si Jehova,Ang Diyos ng Israel, na tumatawag sa iyo sa pangalan mo.+   Alang-alang sa lingkod kong si Jacob at sa Israel na aking pinili,Tinatawag kita sa pangalan mo. Bibigyan kita ng marangal na pangalan, kahit hindi mo ako kilala.   Ako si Jehova, at wala nang iba pa. Walang ibang Diyos bukod sa akin.+ Palalakasin kita,* kahit hindi mo ako kilala,   Para malaman ng mga taoMula sa sikatan ng araw hanggang sa lubugan nito*Na wala nang iba bukod sa akin.+ Ako si Jehova, at wala nang iba pa.+   Lumilikha ako ng liwanag+ at ng kadiliman,+Nagdadala ako ng kapayapaan+ at ng kapahamakan;+Ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng ito.   Kayong mga langit, magpaulan kayo;+Magbuhos ng katuwiran ang mga ulap. Mamunga ang lupa at mapuno ng kaligtasan,At kasabay nito ay magsibol ito ng katuwiran.+ Ako, si Jehova, ang lumikha nito.”   Kaawa-awa ang lumalaban* sa kaniyang Maylikha,*Dahil isa lang siyang piraso ng basag na palayokKasama ng iba pang piraso ng basag na palayok sa lupa! Dapat bang sabihin ng luwad sa Magpapalayok:* “Ano ang ginagawa mo?”+ O dapat bang sabihin ng ginawa mo: “Wala siyang mga kamay”?* 10  Kaawa-awa ang nagsasabi sa ama: “Ano ba ang naging anak mo?” At sa babae: “Ano ba ang isisilang mo?”* 11  Ito ang sinabi ni Jehova, ang Banal ng Israel,+ ang humubog sa kaniya: “Kukuwestiyunin mo ba ako tungkol sa mga bagay na daratingAt uutusan ako tungkol sa mga anak ko+ at sa mga gawa ng kamay ko? 12  Ako ang gumawa ng lupa+ at lumalang sa mga taong naroon.+ Ako ang naglatag ng mga langit sa pamamagitan ng sarili kong mga kamay,+At ako ang nag-uutos sa buong hukbo nila.”+ 13  “Dahil matuwid ako, tinawag ko ang isang lalaki,+At papatagin ko ang lahat ng landas niya. Siya ang magtatayo ng lunsod ko+At magpapalaya sa mga binihag sa bayan ko+ nang walang bayad o suhol,”+ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo. 14  Ito ang sinabi ni Jehova: “Ang kita* ng Ehipto at ang mga produkto* ng Etiopia at ng mga Sabeano, na matatangkad,Ay mapupunta sa iyo at magiging iyo. Lalakad sila sa likuran mo nang nakakadena. Pupunta sila sa iyo at yuyukod sa harap mo.+ Buong galang nilang sasabihin sa iyo, ‘Talagang sumasaiyo ang Diyos,+At wala nang iba pa; wala nang iba pang Diyos.’” 15  Talagang ikaw ay Diyos na nagkukubli,O Diyos ng Israel, ang Tagapagligtas.+ 16  Lahat sila ay mapapahiya;Ang lahat ng gumagawa ng idolo ay aalis sa kahihiyan.+ 17  Pero ang Israel ay bibigyan ni Jehova ng walang-hanggang kaligtasan.+ Hindi ka mapapahiya o mawawalan ng dangal kailanman.+ 18  Dahil ito ang sinabi ni Jehova,Ang Maylalang ng langit,+ ang tunay na Diyos,Ang gumawa sa lupa, ang Maylikha nito na nagpatatag dito,+Na hindi lumalang nito nang walang dahilan,* kundi lumikha nito para tirhan:+ “Ako si Jehova, at wala nang iba pa. 19  Hindi ako nagsalita sa tagong lugar,+ sa madilim na lupain;Hindi ko sinabi sa mga supling* ni Jacob,‘Hanapin ninyo ako nang walang dahilan.’* Ako si Jehova, at sinasabi ko ang matuwid at tama.+ 20  Magtipon kayo at pumarito. Sama-sama kayong lumapit, kayong mga takas mula sa mga bansa.+ Walang alam ang mga nagdadala ng mga inukit na imahenAt nananalangin sa isang diyos na hindi makapagliligtas sa kanila.+ 21  Mag-ulat kayo, iharap ninyo ang inyong kaso. Hayaan silang magsanggunian at magkaisa. Sino ang humula nito noong una pa manAt naghayag nito mula pa noong unang panahon? Hindi ba ako, si Jehova? Walang ibang Diyos bukod sa akin;Isang matuwid na Diyos at isang Tagapagligtas,+ wala nang iba bukod sa akin.+ 22  Lumapit kayo sa akin at maliligtas kayo,+ kayong buong lupa,Dahil ako ang Diyos, at wala nang iba pa.+ 23  Ipinanumpa ko ang aking sarili;Ang salitang lumabas sa bibig ko ay totoo,At hindi ito mabibigo:+ Ang bawat tuhod ay luluhod sa akin,At ang bawat dila ay mangangako sa akin ng katapatan+ 24  At magsasabi, ‘Talagang kay Jehova ang tunay na katuwiran at lakas. Ang lahat ng napopoot sa kaniya ay haharap sa kaniya nang hiyang-hiya. 25  Dahil kay Jehova, ang lahat ng supling* ng Israel ay mapatutunayang tama,+At magmamalaki sila dahil sa kaniya.’”

Talababa

Lit., “alisan ng bigkis ang balakang ng.”
Lit., “pinahiran.” Tingnan sa Glosari, “Pahiran.”
Lit., “Bibigkisan kita nang mahigpit.”
O “Mula sa silangan hanggang sa kanluran.”
O “nakikipagtalo.”
O “sa gumawa sa kaniya.”
O “humubog sa kaniya.”
O posibleng “O dapat bang sabihin ng luwad: ‘Walang hawakan ang ginawa mo’?”
O “Ano ba ang pinaghihirapan mong isilang?”
O posibleng “mga manggagawa.”
O posibleng “negosyante.”
O posibleng “para maging tiwangwang.”
Lit., “sa binhi.”
O “saysay.”
Lit., “binhi.”

Study Notes

Media