Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

ARALIN 03

Makakapagtiwala Ka Ba sa Bibliya?

Makakapagtiwala Ka Ba sa Bibliya?

Maraming pangako at payo ang makikita sa Bibliya. Baka interesado ka sa itinuturo nito, pero baka nagdududa ka rin. Dapat ka bang magtiwala sa lumang aklat na ito? Talaga kayang mapagkakatiwalaan mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng masayang buhay ngayon at sa hinaharap? Milyon-milyon na ang nagtitiwala rito. Bakit hindi mo subukang pag-aralan ito, at tingnan kung magtitiwala ka rin?

1. Totoo ba at tama ang mababasa mo sa Bibliya?

Sinasabi ng Bibliya na “tumpak ang mga salita ng katotohanan” na makikita rito. (Eclesiastes 12:10) Totoong mga pangyayari ang mababasa mo rito. At totoong nabuhay ang mga tao na binanggit dito. (Basahin ang Lucas 1:3; 3:1, 2.) Pinatunayan ng maraming istoryador at arkeologo na tama ang mga petsa, tao, lugar, at pangyayari na binanggit sa Bibliya.

2. Bakit natin masasabi na mapagkakatiwalaan pa rin ang Bibliya kahit luma na ito?

Madalas na may binabanggit ang Bibliya na mga bagay na hindi pa naiintindihan nang panahong isulat ang mga ito. Halimbawa, may binabanggit ito tungkol sa siyensiya na hindi pa pinapaniwalaan noon. Pero napatunayan ng mga pag-aaral ng siyensiya ngayon na tama ang sinasabi ng Bibliya. “Laging maaasahan ang mga ito, ngayon at magpakailanman.”​Awit 111:8.

3. Dapat ba tayong magtiwala sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa mangyayari sa hinaharap?

May mga hula * sa Bibliya na nagsasabi ng “mga bagay na hindi pa nagagawa.” (Isaias 46:10) Marami itong inihula tungkol sa kasaysayan, at eksakto itong nangyari. Detalyado rin nitong inihula ang mga kalagayan ngayon. Sa araling ito, tatalakayin natin ang ilang hula sa Bibliya. At mapapahanga ka kung paano natupad ang mga ito!

PAG-ARALAN

Pag-aralan kung paano pinapatunayan ng siyensiya ang sinasabi ng Bibliya, at talakayin ang ilang kahanga-hangang hula sa Bibliya.

4. Hindi nagkokontrahan ang siyensiya at ang Bibliya

Naniniwala ang maraming tao noon na ang mundo ay nakapatong sa isang bagay. Panoorin ang VIDEO.

Pansinin ang nakarekord sa aklat ng Job mga 3,500 taon na ang nakakalipas. Basahin ang Job 26:7. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Bakit kahanga-hanga ang sinasabi nito na ang mundo ay nakabitin, o nakalutang, “sa kawalan”?

Mga 200 taon pa lang ang nakakalipas nang maintindihan ng mga tao ang tungkol sa water cycle. Pero pansinin ang sinasabi ng Bibliya ilang libong taon na ang nakakaraan. Basahin ang Job 36:27, 28. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Bakit kahanga-hanga ang ulat na ito tungkol sa water cycle?

  • Mas nakumbinsi ka ba nito na magtiwala sa Bibliya?

5. Inihula ng Bibliya ang mahahalagang pangyayari

Basahin ang Isaias 44:27–45:2. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Anong mga detalye ang inihula ng Bibliya 200 taon bago bumagsak ang Babilonya?

Pinapatunayan ng kasaysayan na ang hari ng Persia na si Ciro at ang hukbo niya ang sumakop sa lunsod ng Babilonya noong 539 B.C.E. * Pinaagos nila sa ibang lugar ang tubig ng ilog na pumoprotekta sa lunsod. Naiwang nakabukas ang pintuang-daan ng lunsod kaya nasakop nila ito nang walang labanan. Mahigit 2,500 taon na ang nakakalipas, wasak pa rin ang Babilonya. Pansinin ang inihula ng Bibliya.

Basahin ang Isaias 13:19, 20. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Paano natupad ang hulang ito tungkol sa Babilonya?

Ang gumuhong Babilonya na nasa Iraq ngayon

6. Inihula ng Bibliya ang mangyayari ngayon

Sinasabi ng Bibliya na nabubuhay tayo ngayon sa “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1) Pansinin kung ano ang inihula ng Bibliya.

Basahin ang Mateo 24:6, 7. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang sinasabi ng Bibliya na mangyayari sa mga huling araw?

Basahin ang 2 Timoteo 3:1-5. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Ano ang sinasabi ng Bibliya na magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw?

  • Alin sa mga ugaling ito ang kitang-kita mo ngayon?

MAY NAGSASABI: “Puro alamat at kathang-isip lang naman ang laman ng Bibliya.”

  • Para sa iyo, ano ang pinakamatibay na ebidensiya na talagang mapagkakatiwalaan ang Bibliya?

SUMARYO

Ipinapakita ng kasaysayan, siyensiya, at mga hula na mapagkakatiwalaan ang Bibliya.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Totoo ba at tama ang mga mababasa mo sa Bibliya?

  • Ano ang ilang bagay na nagpapatunay na hindi nagkokontrahan ang siyensiya at ang Bibliya?

  • Naniniwala ka ba na kayang sabihin ng Bibliya ang mangyayari sa hinaharap? Bakit?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Nagkamali na ba ang Bibliya kapag may sinasabi ito tungkol sa siyensiya?

“Kaayon Ba ng Siyensiya ang Bibliya?” (Artikulo sa jw.org/tl)

Alamin kung paano natupad ang mga hula ng Bibliya tungkol sa Imperyo ng Gresya.

Napatibay ng “Makahulang Salita” (5:22)

Tingnan kung paano nagbago ang tingin ng isang lalaki sa Bibliya nang mabasa niya ang mga hula nito.

“Para sa Akin, Walang Diyos” (Ang Bantayan Blg. 5 2017)

^ par. 9 Kasama sa mga hula ang mensahe ng Diyos na mangyayari pa lang sa hinaharap.

^ par. 25 Ang B.C.E. ay nangangahulugang “Before the Common Era,” o “Bago ang Karaniwang Panahon,” at ang C.E. ay nangangahulugang “Common Era,” o “Karaniwang Panahon.”