Pumunta sa nilalaman

Katanggap-tanggap ba ang Maraming Asawa?

Katanggap-tanggap ba ang Maraming Asawa?

Ang sagot ng Bibliya

 May panahong pinayagan ng Diyos ang isang lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa. (Genesis 4:19; 16:1-4; 29:18-29) Pero hindi iyan ang orihinal na layunin ng Diyos. Isa lang ang ibinigay niyang asawa kay Adan.

 Binigyan ng Diyos si Jesu-Kristo ng awtoridad na itatag-muli ang Kaniyang orihinal na pamantayan na isa lang dapat ang asawa. (Juan 8:28) Nang tanungin si Jesus tungkol sa pag-aasawa, sinabi niya: “Siya na lumalang sa kanila mula sa pasimula ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi, ‘Sa dahilang ito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.’”—Mateo 19:4, 5.

 Ipinasulat ng Diyos sa isa sa mga alagad ni Jesus: “Magkaroon ang bawat lalaki ng kaniyang sariling asawa at magkaroon ang bawat babae ng kaniyang sariling asawa.” (1 Corinto 7:2) Sinasabi rin ng Bibliya na ang sinumang lalaking may pantanging mga pananagutan sa loob ng kongregasyong Kristiyano ay dapat na “asawa ng isang babae.”—1 Timoteo 3:2, 12.