Pumunta sa nilalaman

Ang Bibliya ba ay Gawa ng Tao?

Ang Bibliya ba ay Gawa ng Tao?

Ang sagot ng Bibliya

 Totoo, ang Bibliya, o Banal na Kasulatan, ay naglalaman ng magagandang kasabihan. Pero pansinin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sarili nito: “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” (2 Timoteo 3:16) At maraming patunay na totoo nga ito. Pag-isipan ang sumusunod:

  •   Wala pang matagumpay na nakapagpatunay na di-tumpak ang Bibliya ayon sa kasaysayan.

  •   Ang mga manunulat ng Bibliya ay tapat na mga lalaking sumulat nang may kataimtiman. Ang kanilang pagiging prangka ay nagpapakitang totoo ang kanilang mga isinulat.

  •   Ang Bibliya ay may iisang pangunahing tema: ang pagtataguyod sa karapatan ng Diyos na mamahala sa mga tao at ang katuparan ng kaniyang layunin sa pamamagitan ng kaniyang makalangit na Kaharian.

  •   Kahit isinulat ang Bibliya libo-libong taon na ang nakalilipas, hindi ito naglalaman ng mga maling paniniwala sa siyensiya na karaniwang tinatanggap ng mga tao noon.

  •   Pinatutunayan ng mga dokumentadong ulat ng kasaysayan na ang mga hula sa Bibliya ay nagkatotoo.