Pumunta sa nilalaman

Bakit Pinupuntahan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Taong May Relihiyon Na?

Bakit Pinupuntahan ng mga Saksi ni Jehova ang mga Taong May Relihiyon Na?

 Nakita namin na marami ang nasisiyahang pag-usapan ang mga paksa sa Bibliya, kahit may sarili na silang relihiyon. Siyempre, iginagalang namin ang karapatan ng tao na manghawakan sa paniniwalang iba sa amin, at hindi namin ipinipilit ang aming mensahe.

 Kapag nag-uusap tungkol sa relihiyon, sinisikap naming sundin ang payo ng Bibliya na magpakita ng “mahinahong kalooban at matinding paggalang” sa aming kausap. (1 Pedro 3:15) Alam naming may mga tatanggi sa mensahe namin. (Mateo 10:14) Pero malalaman lang namin ang magiging tugon ng mga tao kung kakausapin namin sila. Alam din naming nagbabago ang kalagayan ng mga tao.

 Halimbawa, baka abalá ang isang tao ngayon pero libre na siyang makipag-usap sa susunod. At baka bigla siyang mapaharap sa sitwasyon o problema na gigising sa interes niya sa mensahe ng Bibliya. Kaya sinisikap naming dalawin nang paulit-ulit ang mga tao.