Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

AspctStyle/stock.adobe.com

KAMPANYA SA MEMORYAL

Patitigilin ni Jesus ang mga Digmaan

Patitigilin ni Jesus ang mga Digmaan

 Noong nasa lupa si Jesus, ipinakita niyang mahal na mahal niya ang mga tao. Ibinigay pa nga niya ang buhay niya para sa kanila. (Mateo 20:28; Juan 15:13) Di-magtatagal, ipapakita niya ulit sa mga tao na mahal niya sila. Kikilos siya bilang Hari ng Kaharian ng Diyos para ‘patigilin ang mga digmaan sa buong lupa.’—Awit 46:9.

 Ganito ang sinabi ng Bibliya tungkol sa gagawin ni Jesus:

  •   “Ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong, at ang hamak at ang sinumang walang katulong. Maaawa siya sa hamak at sa dukha, at ililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Sasagipin niya sila mula sa pang-aapi at karahasan.”—Awit 72:12-14.

 Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Sa Lucas 22:19, sinabi ni Jesus sa mga tagasunod niya na alalahanin ang kamatayan niya. Kaya naman bawat taon, nagtitipon ang mga Saksi ni Jehova sa anibersaryo ng kamatayan niya. Sana makasama ka namin sa Memoryal ng kamatayan ni Jesus sa araw ng Linggo, Marso 24, 2024.

Maghanap ng Memoryal