Mga Awit 72:1-20

Tungkol kay Solomon. 72  O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan,At ituro mo ang iyong katuwiran sa anak ng hari.+   Ipaglaban niya nawa ang usapin ng bayan mo ayon sa katuwiran,At ng mga dukha sa bayan mo ayon sa katarungan.+   Magdala nawa ng kapayapaan sa bayan ang mga bundok,At magdala nawa ng katuwiran ang mga burol.   Ipagtanggol* niya nawa ang mga hamak sa bayan,Iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha,At durugin niya nawa ang mandaraya.+   Katatakutan ka nila hangga’t may arawAt hangga’t nananatili ang buwan,Sa lahat ng henerasyon.+   Magiging gaya siya ng ulan na pumapatak sa damong tinabasan,Gaya ng saganang ulan na bumabasa sa lupa.+   Sa panahon niya, mamumukadkad* ang matuwid,+At mamamayani ang kapayapaan+ hanggang sa mawala ang buwan.   Magkakaroon siya ng mga sakop* mula sa isang dagat hanggang sa isa pang dagatAt mula sa Ilog* hanggang sa mga dulo ng lupa.+   Yuyukod sa kaniya ang mga naninirahan sa disyerto,At didilaan ng mga kaaway niya ang alabok.+ 10  Magbibigay ng tributo* ang mga hari ng Tarsis at ng mga isla.+ Maghahandog ng regalo ang mga hari ng Sheba at ng Seba.+ 11  Yuyukod sa kaniya ang lahat ng hari,At maglilingkod sa kaniya ang lahat ng bansa. 12  Dahil ililigtas niya ang dukha na humihingi ng tulong,At ang hamak at ang sinumang walang katulong. 13  Maaawa siya sa hamak at sa dukha,At ililigtas niya ang buhay ng mga dukha. 14  Sasagipin* niya sila mula sa pang-aapi at karahasan,At magiging mahalaga sa paningin niya ang dugo nila. 15  Mabuhay nawa siya at bigyan ng ginto ng Sheba.+ Patuloy nawa siyang ipanalangin,At pagpalain nawa siya buong araw. 16  Magkakaroon ng saganang butil sa lupa;+Mag-uumapaw ito sa tuktok ng mga bundok. Mananagana ang bunga niya gaya ng sa Lebanon,+At darami ang mga tao sa mga lunsod gaya ng pananim sa lupa.+ 17  Manatili nawa ang pangalan niya magpakailanman,+At patuloy nawang makilala iyon hangga’t may araw. Tumanggap* nawa ng pagpapala ang mga tao sa pamamagitan niya;+Ipahayag nawa siyang maligaya ng lahat ng bansa. 18  Purihin nawa ang Diyos na Jehova, ang Diyos ng Israel,+Ang tanging gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay.+ 19  Purihin nawa magpakailanman ang maluwalhati niyang pangalan,+At mapuno nawa ang buong lupa ng kaluwalhatian niya.+ Amen at Amen. 20  Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse.+

Talababa

Lit., “Hatulan.”
Lit., “sisibol.”
O “Mamamahala siya.”
Eufrates.
Tingnan sa Glosari.
O “Tutubusin.”
O “Makakuha.”

Study Notes

Media