Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

John Moore/Getty Images

Pangangalaga sa Kalusugan—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?

Pangangalaga sa Kalusugan—Ano ang Gagawin ng Kaharian ng Diyos Dito?

 “Kahit hindi na matinding banta sa kalusugan ang COVID-19 sa buong mundo, dapat nating isipin na problema pa rin ito sa kalusugan ng mga tao.. . . Kapag may dumating ulit na pandemic—at siguradong mangyayari ito—dapat handa tayo.”—Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, director-general ng World Health Organization, Mayo 22, 2023.

 Marami pa rin ang may problema sa pisikal at mental na kalusugan dahil sa COVID-19 pandemic. Handa na kaya ang mga gobyerno at health-care institution sa susunod na pandemic? Masosolusyunan kaya nila ang mga problema natin ngayon sa kalusugan?

 Sinasabi ng Bibliya na may isang kaharian, o gobyerno, na kayang solusyunan ang lahat ng problema sa kalusugan. Mababasa natin dito na “ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman.” (Daniel 2:44) Sa ilalim ng gobyernong ito, walang tao “ang magsasabi: ‘May sakit ako.’” (Isaias 33:24) Gaganda na ang kalusugan ng lahat, at magiging malakas na ulit ang lahat ng tao.—Job 33:25.