Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Tuklas ng Arkeolohiya na Nagpapatunay na Talagang Nabuhay si Haring David

Isang Tuklas ng Arkeolohiya na Nagpapatunay na Talagang Nabuhay si Haring David

 Ayon sa Bibliya, nabuhay si Haring David ng Israel noong ika-11 siglo B.C.E. at namuno ang kaniyang mga inapo nang ilang daang taon. Pero sinasabi ng ilang kritiko na alamat lang si David, isang kathang-isip na inimbento lang nang maglaon. Talaga bang nabuhay si Haring David?

 Noong 1993, nahukay ng arkeologong si Avraham Biran at ng kaniyang grupo ang isang piraso ng bato sa Tel Dan, hilagang Israel. Nakaukit doon ang mga salitang “Sambahayan ni David.” Ang inskripsiyon, na nakasulat sa sinaunang Semitiko, ay mula pa noong ikasiyam na siglo B.C.E. Lumilitaw na bahagi ito ng isang monumento na itinayo ng mga taga-Aram bilang pagyayabang sa kanilang pagkapanalo laban sa Israel.

 Sinabi sa isang artikulo ng Bible History Daily: “Marami ang bumabatikos sa inskripsiyon na ‘Sambahayan ni David’ . . . Pero ang karamihan sa mga iskolar ng Bibliya at arkeologo ay naniniwala na ang Tel Dan stela ang unang matibay na ebidensiya na si Haring David, na nasa Bibliya, ay talagang nabuhay. Kaya ito ay naging isa sa pinakamahahalagang tuklas ng Biblikal na arkeolohiya na iniulat sa BAR [Biblical Archaeology Review].”