Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kalusugan

Kalusugan

Ang Bibliya ay hindi isang aklat sa medisina. Pero may mga payo ito para bumuti ang kalusugan natin. Pansinin ang ilan sa mga ito.

ALAGAAN ANG KATAWAN MO

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Walang sinumang napopoot sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at inaalagaan.”—Efeso 5:29.

ANG IBIG SABIHIN NITO: Pinasisigla tayo ng prinsipyong ito sa Bibliya na ingatan ang ating kalusugan. Ayon sa isang pag-aaral, ang karamihan ng problema sa kalusugan ay nauugnay sa paraan ng pamumuhay na pinipili ng mga tao. Kaya kung magiging matalino ka sa pagpili, gaganda ang kalusugan mo.

ANG PUWEDE MONG GAWIN:

  • Nutrisyon. Kumain ng masusustansiyang pagkain at uminom ng sapat na tubig.

  • Mag-ehersisyo. Anuman ang edad mo, makatutulong sa iyo ang pisikal na gawain para gumanda ang kalusugan mo, kahit may kapansanan ka o limitado na ang nagagawa dahil sa sakit. Makatutulong sa pag-eehersisyo mo ang mga mahal mo sa buhay at doktor, pero ikaw pa rin ang may pananagutan dito!

  • Matulog Nang Sapat. Ang mga taong laging puyat ay posibleng magkaroon ng malulubhang sakit. Maraming tao ang walang sapat na tulog dahil mas inuuna nila ang ibang bagay kaysa sa pagtulog. Pero kung uunahin mo ang pagkakaroon ng sapat na tulog, mas gaganda ang kalusugan mo.

IWASAN ANG BISYO

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu.”—2 Corinto 7:1.

ANG IBIG SABIHIN NITO: Gaganda ang kalusugan natin kung iiwas tayo sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo, na pangunahing sanhi ng sakit at kamatayan.

ANG PUWEDE MONG GAWIN: Magtakda ng petsa kung kailan ka hihinto sa paninigarilyo, at markahan ito sa kalendaryo. Bago ang araw na iyon, itapon ang mga sigarilyo, ashtray, lighter, at iba pang bagay na ginagamit mo sa bisyong ito. Iwasan ang mga lugar kung saan ginagawa ang mga bisyong gaya nito. Sabihin sa iyong mga kaibigan ang desisyon mo para matulungan ka nila.

IBA PANG PRINSIPYO SA BIBLIYA

Makakakuha ka ng kopya ng Bibliya kung kokontakin mo ang isang Saksi ni Jehova sa inyong lugar

MAGING PALAISIP SA SAFETY.

“Kung magtatayo ka ng bahay, dapat mong lagyan ng halang ang bubong, para walang mahulog mula rito at hindi magkasala sa dugo ang pamilya mo.”—DEUTERONOMIO 22:8.

KONTROLIN ANG GALIT MO.

“Ang taong hindi madaling magalit ay may malawak na kaunawaan, pero nagpapakita ng kamangmangan ang maikli ang pasensiya.”—KAWIKAAN 14:29.

HUWAG KUMAIN NANG SOBRA-SOBRA.

“Huwag kang maging gaya ng . . . matatakaw.”—KAWIKAAN 23:20.