Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Malabong Paningin ng Jumping Spider

Ang Malabong Paningin ng Jumping Spider

ANG jumping spider ay may natatanging sistema ng paningin na ginagamit niya para makalkula ang eksaktong distansiya na kailangan niyang talunin. Paano niya ito nagagawa?

Pag-isipan ito: Para masukat ng jumping spider ang distansiya niya sa isang bagay, ginagamit niya ang pambihirang katangian ng kaniyang dalawang pangunahing mata, na bawat isa’y may retina na may apat na layer. Ang berdeng liwanag ay malinaw na nakikita ng isang layer, pero malabo naman ito sa isa pang layer. Miyentras mas malabo ang nakikita ng layer na iyon, mas malapit ang bagay na iyon sa mata ng gagamba. Dahil dito, nakakalkula ng gagamba ang distansiyang kailangan niyang talunin para mahuli ang kaniyang biktima.

Ang teknik na ito ng jumping spider ay gustong gayahin ng mga mananaliksik para makagawa ng mga kamerang 3-D at mga robot na makasusukat ng distansiya nito mula sa isang bagay. Ayon sa ScienceNOW, isang news site sa Internet, ang paningin ng jumping spider ay “isang napakagandang halimbawa kung paanong ang isang kalahating-sentimetrong hayop na may utak na mas maliit pa sa utak ng langaw ay nakakakuha ng masalimuot na impormasyon sa pamamagitan ng kaniyang mata at nakakakilos ayon dito.”

Ano sa palagay mo? Ang paggamit ba ng jumping spider sa kaniyang malabong paningin ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?