Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kapag Nagtaksil ang Asawa

Kapag Nagtaksil ang Asawa

“Gusto ko nang mamatay nang sabihin ng mister ko na iiwan na niya ako at ipagpapalit sa mas bata sa akin. Napaka-unfair n’on, lalo na kapag naiisip ko ang mga sakripisyo ko para sa kaniya.”—Maria, Spain.

“Nang bigla akong iwan ng misis ko, para akong namatay. Nasira lahat ng pangarap at plano namin. May mga araw na akala ko okey na ako. Pero nadedepres pa rin ako.”—Bill, Spain.

TALAGANG nakapanlulumo ang mapagtaksilan ng asawa. Totoo, napapatawad ng ilan ang asawa nila na nagtaksil, at nakakapagsimula silang muli. * Pero kahit hindi sila naghiwalay, napakasakit pa rin nito para sa pinagtaksilang asawa. Paano niya makakayanan ang sakit na iyon?

MGA TEKSTONG MAKAKATULONG SA IYO

Sa kabila ng matinding kirot, maraming biktima ng kataksilan ang natulungan ng Bibliya. Nalaman nila na nakikita ng Diyos ang kanilang mga luha at nakikisimpatiya siya sa kanila.—Malakias 2:13-16.

“Noong maraming gumugulo sa isip ko, pinayapa mo ang kalooban ko at pinaginhawa mo ako.”Awit 94:19.

“Habang binabasa ko ang tekstong iyan, para akong hinahaplos ni Jehova at pinapawi niya ang aking kirot, gaya ng isang maawaing Ama,” ang sabi ni Bill.

“Magiging tapat ka sa mga tapat.”Awit 18:25.

“Hindi naging tapat ang asawa ko,” ang sabi ni Carmen, na ilang buwan na palang pinagtataksilan ng mister niya. “Pero nagtitiwala ako na tapat si Jehova. Hindi niya ako bibiguin.”

“Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo . . . ; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso.”Filipos 4:6, 7.

“Paulit-ulit kong binasa ang tekstong iyan,” ang sabi ni Sasha. “Nanalangin ako nang nanalangin at binigyan ako ng Diyos ng kapayapaan ng isip.”

May panahong gusto nang sumuko ng mga indibidwal na nabanggit. Pero nagtiwala sila sa Diyos na Jehova at napalakas ng kaniyang Salita. Ganito ang sinabi ni Bill: “Kahit parang gumuho ang mundo ko, nagkaroon uli ng kabuluhan ang buhay ko dahil sa aking pananampalataya. Noong lumalakad ako ‘sa napakadilim na lambak,’ kasama ko ang Diyos.”—Awit 23:4.

^ Tinatalakay sa artikulong “Kapag Nagtataksil ang Isang Kabiyak” sa Gumising! ng Abril 22, 1999, kung dapat patawarin ang nagkasalang asawa.