Mga Awit 23:1-6

Awit ni David. 23  Si Jehova ang aking Pastol.+ Hindi ako magkukulang ng anuman.+   Pinahihiga niya ako sa madamong mga pastulan;Inaakay niya ako sa mga pahingahan na may saganang tubig.*+   Pinagiginhawa niya ako.+ Inaakay niya ako sa matuwid na mga landas alang-alang sa pangalan niya.+   Kahit na lumalakad ako sa napakadilim na lambak,+Hindi ako natatakot+Dahil kasama kita;+Panatag ang loob ko dahil sa iyong pamalo at tungkod.   Ipinaghahanda mo ako ng maraming pagkain* sa harap ng mga kaaway ko.+ Nilagyan* mo ng langis ang aking ulo;+Punong-puno ang aking kopa.+   Sa buong buhay ko, madarama ko ang kabutihan mo at tapat na pag-ibig,+At maninirahan ako sa bahay ni Jehova habang nabubuhay ako.+

Talababa

O posibleng “sa tahimik na katubigan.”
Lit., “ng mesa.”
O “Pinaginhawa.”

Study Notes

Media