Pumunta sa nilalaman

Kaliwa sa itaas: Mga kapatid na masayang nagsa-sign ng isang Kingdom song sa Filipino Sign Language. Kaliwa sa ibaba: Masayang ipinapakita ng mga dumalo ang ilang talata sa aklat ng Mateo sa Filipino Sign Language. Kanan: Si Brother Dean Jacek na nag-release ng aklat

ABRIL 29, 2024
PILIPINAS

Ini-release ang Aklat ng Bibliya na Mateo sa Filipino Sign Language

Ini-release ang Aklat ng Bibliya na Mateo sa Filipino Sign Language

Mga dumalo na pumapalakpak sa wikang pasenyas nang i-release ang aklat ng Mateo sa Filipino Sign Language

Noong Abril 21, 2024, ini-release ni Brother Dean Jacek, isang miyembro ng Komite ng Sangay sa Pilipinas, ang aklat ng Bibliya na Mateo sa Filipino Sign Language sa isang espesyal na programa na ginanap sa tanggapang pansangay sa Quezon City. Dinaluhan ito ng 413 kapatid sa mismong venue, at 3,998 mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang nakapanood nito sa videoconference. Puwede na agad ma-download ang aklat na ito sa jw.org at JW Library Sign Language app.

Tinatayang di-bababa sa 500,000 ang gumagamit ng Filipino Sign Language. Naitatag ang unang kongregasyon ng Filipino Sign Language sa Quezon City noong 1999, at unang nakapagsalin ng mga literatura sa Bibliya sa wikang ito noong 2011. Sa ngayon, mahigit 3,000 kapatid ang naglilingkod sa 72 kongregasyon at group ng sign language sa buong Pilipinas.

Ito ang unang buong aklat sa Bibliya na naisalin sa Filipino Sign Language. Sinabi ng isang brother na bingi: “Bago ang release na ito, iilang talata lang sa aklat ng Mateo ang naisalin sa wika namin. Para bang may iilang piraso lang kami ng isang malaking puzzle. Pero ngayon, nabuo na namin ito!” Sinabi pa ng isang elder na naglilingkod sa isang kongregasyon ng Filipino Sign Language: “Maraming payo sa aklat ng Mateo na magagamit namin sa pagshe-shepherding at pagpapatibay sa kongregasyon. Halimbawa, pinapayuhan tayo ng Mateo 5:23, 24 na makipagpayapaan sa mga kapatid kapag may di-pagkakaunawaan. Salamat kay Jehova dahil malinaw na sa wika namin ang mahahalagang aral na ito.”

Nakikisaya tayo sa release ng aklat ng Mateo sa Filipino Sign Language! Alam nating mas marami pa itong matutulungang mga tapat-puso na makinabang sa Salita ng Diyos.—Mateo 7:24, 25.