Pumunta sa nilalaman

Mas Mabilis Makarekober ang mga Pasyenteng Saksi

Mas Mabilis Makarekober ang mga Pasyenteng Saksi

AUSTRALIA: “Ang mga pasyenteng Saksi ni Jehova—na tumatanggi sa pagsasalin ng dugo dahil sa kanilang relihiyon—ay mas madaling gumaling kaysa sa ibang pasyente,” ang ulat ng The Sydney Morning Herald, isyu ng Oktubre 2, 2012.

Binanggit sa report ang sinabi ng clinical professor na si James Isbister ng Sydney Medical School, University of Sydney: “Ayon kay Propesor Isbister, mas maingat ang mga doctor kapag Saksi ni Jehova ang pasyente para walang gaanong dugong mawala. Kaya naman mas malaki ang kanilang tsansang makarekober at hindi sila gaanong matagal sa ospital at intensive care kumpara sa mga pasyenteng nagpasalin ng dugo.”

Hindi lang si Doktor Isbister ang may ganiyang obserbasyon. Tungkol sa mga Saksing naoperahan sa puso, sinabi ng Archives of Internal Medicine, Agosto 13-27, 2012: “Mas kaunti ang malubhang komplikasyon ng mga Saksi at mas madali silang gumaling kaysa sa mga pasyenteng nagpasalin ng dugo.”