Pumunta sa nilalaman

Huminto Sila Para Tumulong

Huminto Sila Para Tumulong

 Nagda-drive si Bob nang mga 100 kilometro kada oras sa isang malamig at mahanging panahon sa Alberta, Canada. Mga limang kilometro pa ang layo niya sa bahay nang biglang sumabog ang kaliwang gulong niya sa likod. Noong una, hindi alam ni Bob ang nangyari kaya tuloy-tuloy lang siya.

 Sa isang sulat na ipinadala ni Bob sa isang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova doon, ikinuwento niya ang nangyari. “Limang kabataang sakay ng isang kotse ang tumapat sa tabi ng sasakyan ko at binuksan ang bintana nila,” isinulat niya. “Sinabi nila na flat ang gulong ko. Kaya huminto kami, at sinabi nilang papalitan nila ito. Ni hindi ko nga alam kung may reserba akong gulong o jack. Habang nakaupo ako sa wheelchair ko sa gilid ng kalsada, gumapang sila sa ilalim ng van, kinuha ang reserba at jack, at pinalitan ang gulong. Nagyeyelo noon at napakalakas ng hangin. Pormal pa ang damit nila pero ginawa nila iyon para lang makauwi ako. Hindi ko iyon magagawa kung wala sila.

 “Salamat sa limang kabataang Saksi na tumulong sa akin. Nandoon sila nang oras na iyon para mangaral. Talagang ginagawa nila kung ano ang itinuturo nila. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala sila, kaya talagang nagpapasalamat ako. Sino ba naman ang mag-aakala na may mga batang anghel sa daan nang araw na iyon?”