Pumunta sa nilalaman

Sino ang Founder ng mga Saksi ni Jehova?

Sino ang Founder ng mga Saksi ni Jehova?

 Nagsimula ang makabagong-panahong organisasyon ng mga Saksi ni Jehova noong ika-19 na siglo. Noon, isang maliit na grupo ng mga estudyante sa Bibliya na nakatira malapit sa Pittsburgh, Pennsylvania, Estados Unidos, ang nagpasimula ng sistematikong pag-aaral ng Bibliya. Ikinumpara nila ang mga turo ng simbahan sa talagang itinuturo ng Bibliya. Inilathala nila ang kanilang natuklasan sa mga aklat, diyaryo, at sa magasin na ngayon ay tinatawag na Ang Bantayan—Naghahayag ng Kaharian ni Jehova.

 Kasama sa grupong iyon si Charles Taze Russell. Kahit siya ang nanguna noon sa gawaing pagtuturo ng Bibliya at unang editor ng Bantayan, hindi siya naging founder ng isang bagong relihiyon. Gusto lang niya at ng iba pang Estudyante sa Bibliya, ang tawag noon sa kanilang grupo, na itaguyod ang turo ni Jesu-Kristo at tularan ang mga Kristiyano noong unang siglo. Dahil si Jesus ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo, siya ang itinuturing naming founder ng aming organisasyon.—Colosas 1:18-20.