Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Binti ng Kabayo

Ang Binti ng Kabayo

ANG kabayo ay nakatatakbo sa bilis na hanggang 50 kilometro bawat oras. Bagaman nagsasangkot ito ng maraming paggalaw, kaunting enerhiya lang ang nagagamit dito. Bakit? Ang sekreto ay nasa mga binti ng kabayo.

Tingnan natin kung ano ang nangyayari kapag tumatakbo ang kabayo. Kapag sumayad sa lupa ang mga paa nito, ang nababanat na mga kalamnan at litid sa binti nito ay nag-a-absorb ng enerhiya, at inilalabas itong gaya ng pag-igkas ng spring, anupat naitutulak paabante ang kabayo.

Isa pa, habang tumatakbo, ang mga binti ng kabayo ay nagba-vibrate nang malakas, na maaaring ikapinsala ng mga litid nito. Pero ang mga kalamnan sa binti ay nagsisilbing shock absorber. Ang kayariang ito ay tinatawag ng mga mananaliksik na isang “katangi-tanging disenyo ng kalamnan at litid” na nagbibigay ng liksi at lakas.

Sinisikap ng mga inhinyero na gayahin ang disenyo ng mga binti ng kabayo para gamitin sa mga robot na may apat na paa. Pero ayon sa Biomimetic Robotics Laboratory ng Massachusetts Institute of Technology, ang komplikadong disenyong ito ay hindi basta-basta magagaya gamit ang kasalukuyang mga materyales at kaalaman sa inhinyeriya.

Ano sa palagay mo? Ang kayarian ba ng mga binti ng kabayo ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?