Oseas 2:1-23

2  “Sabihin ninyo sa mga kapatid ninyong lalaki, ‘O bayan ko!’*+ At sa mga kapatid ninyong babae, ‘O mga babaeng pinagpakitaan ng awa!’*+   Akusahan ninyo ang inyong ina; akusahan ninyo siya,Dahil hindi ko siya asawa.+ Dapat niyang itigil ang pakikiapid* niyaAt alisin ang pangangalunya sa pagitan ng kaniyang mga suso,   Dahil kung hindi ay huhubaran ko siya gaya noong araw na ipanganak siya,Kaya magiging gaya siya ng ilangAt lupaing walang tubig,At mamamatay siya sa uhaw.   At hindi ko kaaawaan ang mga anak niya,Dahil sila ay bunga ng pakikiapid.*   Dahil nakiapid* ang kanilang ina.+ Ang nagdalang-tao sa kanila ay gumawi nang kahiya-hiya,+ dahil sinabi niya,‘Hahabulin ko ang mga kalaguyo ko,+Ang mga nagbibigay sa akin ng tinapay at tubig,Lana at lino, at langis at inumin.’   Kaya lalagyan ko ng matitinik na harang ang iyong daan;At magtatayo ako ng batong paderPara hindi niya makita ang mga dadaanan niya.   Hahabulin niya ang mga kalaguyo niya, pero hindi niya sila maaabutan;+Hahanapin niya sila, pero hindi niya sila makikita. At sasabihin niya, ‘Babalik ako sa una kong asawa,+Dahil mas maganda ang kalagayan ko noon kaysa ngayon.’+   Hindi niya kinilala na ako ang nagbigay sa kaniya ng butil,+ bagong alak, at langis,Pati ng maraming pilak at ng ginto,Na ginamit nila para kay Baal.+   ‘Kaya babalik ako at kukunin ko ang aking butil sa panahon ng pag-aaniAt ang aking bagong alak sa panahon ng pagtitipon,+At aagawin ko ang aking lana at lino na pantakip niya sa hubad niyang katawan. 10  Ilalantad ko ngayon sa mga kalaguyo niya ang kaniyang pribadong mga bahagi,At walang magliligtas sa kaniya mula sa kamay ko.+ 11  Wawakasan ko ang lahat ng kaniyang pagsasaya,Kapistahan,+ bagong buwan, sabbath, at lahat ng kaniyang masasayang pagtitipon. 12  At sisirain ko ang kaniyang mga puno ng ubas at igos, na tungkol sa mga ito ay sinabi niya: “Ito ang bayad sa akin ng mga kalaguyo ko”;Gagawin kong kagubatan ang taniman ng mga iyon,At ang mga iyon ay lalamunin ng mababangis na hayop sa parang. 13  Pananagutin ko siya dahil sa mga panahong naghandog siya sa mga imahen ni Baal,+Noong nagsusuot siya ng mga singsing at palamuti para magpaganda at hinahabol niya ang mga kalaguyo niya,At ako ang kinalimutan niya,’+ ang sabi ni Jehova. 14  ‘Kaya hihimukin ko siyang bumalik,Aakayin ko siya sa ilang,At kakausapin ko siya para makuha ang loob niya. 15  Mula sa panahong iyon, ibabalik ko sa kaniya ang mga ubasan niya+At ibibigay ko sa kaniya ang Lambak* ng Acor+ bilang daan tungo sa pag-asa;Sasagot siya sa akin doon gaya noong panahon ng kabataan niya,Gaya noong araw na lumabas siya sa Ehipto.+ 16  At sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova,‘Tatawagin mo akong Aking asawa, at hindi mo na ako tatawaging Aking panginoon.’* 17  ‘Hindi ko hahayaang banggitin niya ang pangalan ng mga imahen ni Baal,+At malilimutan na ang pangalan nila.+ 18  Sa araw na iyon, makikipagtipan ako sa mababangis na hayop sa parang alang-alang sa bayan ko,+Pati sa mga ibon sa langit at gumagapang na nilikha sa lupa;+Aalisin ko sa lupain ang pana at espada at digmaan,+At maninirahan* sila nang panatag.+ 19  Makikipagtipan ako sa iyo para maging asawa kita magpakailanman;At makikipagtipan ako sa iyo nang may katuwiran at katarunganAt tapat na pag-ibig at awa.+ 20  Makikipagtipan ako sa iyo nang may katapatan,At tiyak na makikilala mo si Jehova.’+ 21  ‘Tutugon ako sa araw na iyon,’ ang sabi ni Jehova,‘Ibibigay ko ang kahilingan ng langit,At ibibigay naman nito ang kahilingan ng lupa;+ 22  At ibibigay ng lupa ang kahilingan ng butil at bagong alak at langis;At tatanggapin ng Jezreel* ang mga ito bilang sagot sa kahilingan nito.+ 23  Ihahasik ko siya sa lupa gaya ng binhi,+At siya na hindi kinaawaan* ay kaaawaan ko;Sasabihin ko sa hindi ko bayan:* “Kayo ang bayan ko,”+ At sasabihin nila: “Ikaw ang Diyos namin.”’”*+

Talababa

Tingnan ang tlb. sa Os 1:9.
Tingnan ang tlb. sa Os 1:6.
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “prostitusyon; imoralidad.”
O “naging babaeng bayaran; naging imoral.”
O “Mababang Kapatagan.”
O “Aking Baal.”
O “mamumuhay.”
Ibig sabihin, “Ang Diyos ay Maghahasik ng Binhi.”
Tingnan ang tlb. sa Os 1:6.
Tingnan ang tlb. sa Os 1:9.
Lit., “ko.”

Study Notes

Media