Mga Kawikaan 21:1-31

21  Ang puso ng hari ay gaya ng dumadaloy na tubig sa kamay ni Jehova.+ Ibinabaling Niya iyon saanman Niya gustuhin.+   Ang lahat ng lakad ng tao ay tama sa paningin niya,+Pero sinusuri ni Jehova ang mga puso.*+   Ang paggawa ng tama at makatarunganAy mas gusto ni Jehova kaysa sa hain.+   Ang mapagmataas na mga mata at mayabang na pusoAng lampara ng masasama, at ang mga ito ay kasalanan.+   Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay,*+Pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.+   Ang kayamanang nakuha gamit ang sinungaling na dilaAy gaya ng singaw na naglalaho, isang nakamamatay na bitag.*+   Ang karahasan ng masasama ay kakaladkad sa kanila,+Dahil ayaw nilang maging makatarungan.   Liko ang landas ng taong makasalanan,Pero matuwid ang gawain ng taong walang-sala.+   Mas mabuti pang tumira sa bubong*Kaysa makasama sa bahay ang asawang babae na mahilig makipagtalo.*+ 10  Ang masamang tao ay naghahangad ng masama;+Hindi siya gumagawa ng mabuti sa kapuwa niya.+ 11  Kapag pinarusahan ang manunuya, natututo ang walang karanasan,At kapag nagkaroon ng kaunawaan ang taong marunong, nadaragdagan ang kaalaman niya.*+ 12  Tinitingnan ng Matuwid ang bahay ng masama;Ibinabagsak niya ang masasama para mapahamak sila.+ 13  Ang nagtatakip ng tainga kapag dumaraing ang mahirapAy hindi pakikinggan kapag siya naman ang tumawag.+ 14  Ang lihim na regalo ay nagpapahupa ng galit,+At ang palihim na panunuhol* ay nagpapahupa ng matinding galit. 15  Ikinatutuwa ng matuwid ang pagkilos nang may katarungan,+Pero ayaw na ayaw ito ng mga gumagawa ng masama. 16  Ang taong lumilihis mula sa daan ng kaunawaanAy makakasama ng mga patay.+ 17  Ang mahilig sa kasayahan* ay maghihirap;+Ang mahilig sa alak at langis ay hindi yayaman. 18  Ang masama ay pantubos para sa matuwid,At ang taksil ay pantubos para sa tapat.+ 19  Mas mabuti pang tumira sa ilangKaysa makasama ang asawang babae na mahilig makipagtalo* at madaling mainis.+ 20  Ang mahalagang kayamanan at langis ay makikita sa bahay ng marunong,+Pero lulustayin* ng mangmang kung ano ang mayroon siya.+ 21  Ang nagtataguyod ng katuwiran* at tapat na pag-ibigAy magkakamit ng buhay, katuwiran, at karangalan.+ 22  Kayang akyatin* ng marunong ang lunsod ng malalakas na tao,At mapababagsak niya ang moog* na pinagtitiwalaan nila.+ 23  Ang nagbabantay sa kaniyang bibig at dilaAy nakaiiwas sa problema.+ 24  Tinatawag na mapagmataas at hambogAng taong sobrang pangahas sa mga pagkilos niya.+ 25  Ang hinahangad ng tamad ang papatay sa kaniya,Dahil ayaw magtrabaho ng mga kamay niya.+ 26  Puro kasakiman ang nasa isip niya buong araw,Pero ang matuwid ay nagbibigay at hindi nagkakait ng anuman.+ 27  Kasuklam-suklam ang hain ng masama,+ Lalo na kung inihandog niya ito nang may masamang motibo!* 28  Ang sinungaling na testigo ay mamamatay,+Pero magiging matagumpay na testigo* ang taong nakikinig na mabuti. 29  Pinatatapang ng masamang tao ang mukha niya,+Pero ang landasin ng matuwid ang totoong matatag.*+ 30  Walang karunungan, kaunawaan, o payo na makalalaban kay Jehova.+ 31  Inihahanda ang kabayo para sa araw ng labanan,+Pero ang kaligtasan ay mula kay Jehova.+

Talababa

O “motibo.”
O “magdudulot ng pakinabang.”
O posibleng “gaya ng singaw na naglalaho para sa mga naghahanap ng kamatayan.”
O “asawang bungangera.”
O “sa isang sulok ng bubong.”
O “alam niya ang gagawin niya.”
Lit., “ang suhol mula sa dibdib.”
O “kaluguran.”
O “asawang bungangera.”
Lit., “lalamunin.”
Tingnan sa Glosari.
O “talunin.”
Lit., “lakas.”
O “inihandog niya ito kasabay ng kahiya-hiyang paggawi.”
Lit., “At magsasalita magpakailanman.”
O “Pero pinatatatag ng matuwid ang landasin niya.”

Study Notes

Media