Mga Awit 98:1-9

Isang awit. 98  Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+Dahil gumawa siya ng kamangha-manghang mga bagay.+ Ang kanang kamay niya, ang banal na bisig niya, ay nagligtas.*+   Ipinakita ni Jehova ang kaniyang pagliligtas;+Isiniwalat niya ang kaniyang katuwiran sa harap ng mga bansa.+   Inalaala niya ang kaniyang tapat na pag-ibig at katapatan sa sambahayan ng Israel.+ Nakita ng buong lupa ang pagliligtas* ng ating Diyos.+   Buong lupa, humiyaw kayo kay Jehova dahil sa tagumpay. Magsaya kayo at humiyaw sa kagalakan at umawit ng mga papuri.*+   Umawit kayo ng mga papuri* kay Jehova sa saliw ng alpa,Sa saliw ng alpa at sa himig ng magandang awit.   Sa saliw ng mga trumpeta at tambuli,+Humiyaw kayo dahil sa tagumpay sa harap ng Hari, si Jehova.   Umugong ang dagat at ang lahat ng naroon,Ang lupa* at ang mga nakatira doon.   Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay;Sama-samang humiyaw sa kagalakan ang mga bundok+   Sa harap ni Jehova, dahil dumarating* siya para hatulan ang lupa. Hahatulan niya ang lupa* ayon sa katuwiran+At ang mga bayan ayon sa katarungan.+

Talababa

O “nagbigay sa kaniya ng tagumpay.”
O “tagumpay.”
O “at umawit at tumugtog.”
O “Umawit kayo at tumugtog para.”
O “mabungang lupain.”
O “dumating na.”
O “mabungang lupain.”

Study Notes

Media