Mga Awit 77:1-20

Sa direktor; sa Jedutun.* Awit ni Asap.+ 77  Sa pamamagitan ng tinig ko ay tatawag ako sa Diyos;Tatawag ako sa Diyos, at pakikinggan niya ako.+   Sa araw ng pagdurusa ko ay hinahanap ko si Jehova.+ Sa gabi ay iniuunat ko ang mga kamay ko sa kaniya nang walang kapaguran.* Pero hindi gumagaan ang pakiramdam ko.   Kapag inaalaala ko ang Diyos, naghihirap ang loob ko;+Nababahala ako at nanghihina.+ (Selah)   Hindi mo pinapipikit ang mga mata ko;Naliligalig ako at hindi makapagsalita.   Naaalaala ko ang mga araw noong unang panahon,+Ang napakatagal nang mga taóng lumipas.   Sa gabi ay inaalaala ko ang aking awit;*+Nagbubulay-bulay ako sa aking puso,+Nagsasaliksik akong mabuti.   Itatakwil ba tayo ni Jehova magpakailanman?+ Hindi na ba siya muling magpapakita sa atin ng kagandahang-loob?+   Naglaho na ba ang kaniyang tapat na pag-ibig magpakailanman? Ang pangako ba niya ay mawawalan na ng kabuluhan sa lahat ng henerasyon?   Nalimutan na ba ng Diyos na ipakita ang kaniyang kagandahang-loob,+O naglaho na ba ang awa niya dahil sa kaniyang galit? (Selah) 10  Palagi ko bang sasabihin: “Ito ang masakit:+ Nagbago na sa atin ang* Kataas-taasan”? 11  Aalalahanin ko ang mga ginawa ni Jah;Aalalahanin ko ang kamangha-mangha mong mga gawa noong unang panahon. 12  Bubulay-bulayin ko ang lahat ng gawain mo,At pag-iisipan ko ang mga pakikitungo mo.+ 13  O Diyos, ang mga daan mo ay banal. May diyos ba na kasindakila mo, O Diyos?+ 14  Ikaw ang tunay na Diyos, na gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay.+ Ipinapakita mo ang iyong lakas sa mga bayan.+ 15  Sa pamamagitan ng kapangyarihan* mo ay iniligtas* mo ang iyong bayan,+Ang mga anak ni Jacob at ni Jose. (Selah) 16  Nakita ka ng tubig, O Diyos;Nakita ka ng tubig at ito ay nanginig.+ At ang malalim na tubig ay naligalig. 17  Mula sa mga ulap ay bumuhos ang tubig. Kumulog sa maulap na kalangitan,At ang iyong mga palaso ay nagparoo’t parito.+ 18  Ang dagundong ng iyong kulog+ ay gaya ng mga gulong ng karwahe;Nagliwanag ang daigdig* dahil sa mga kidlat;+Ang lupa ay umuga at nayanig.+ 19  Ang daan mo ay sa dagat,+Ang landas mo ay sa malalim na karagatan;Pero hindi matunton ang mga bakas ng paa mo. 20  Inakay mo ang iyong bayan na parang isang kawan+Sa pamamagitan* nina Moises at Aaron.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
Lit., “nang hindi namamanhid.”
O “musika para sa instrumentong de-kuwerdas.”
Lit., “Nagbago na sa atin ang kanang kamay ng.”
Lit., “bisig.”
Lit., “tinubos.”
O “mabungang lupain.”
Lit., “Sa pamamagitan ng kamay.”

Study Notes

Media