Mga Awit 10:1-18

ל [Lamed] 10  O Jehova, bakit ka nakatayo sa malayo? Bakit ka nagtatago sa panahon ng pagdurusa namin?+   Buong kayabangang tinutugis ng masama ang walang kalaban-laban,+Pero mapapahamak siya sa sarili niyang pakana.+   Dahil ipinagmamalaki ng masama ang makasarili niyang mga pagnanasa+At pinupuri niya ang sakim;*נ [Nun]Hindi niya iginagalang si Jehova.   Dahil sa kayabangan, ang masama ay hindi nagsusuri;Buong-buo sa isip niya: “Walang Diyos.”+   Nagtatagumpay ang mga ginagawa niya,+Pero hindi niya naiintindihan ang mga pasiya mo;+Hinahamak niya ang lahat ng kaaway niya.   Sinasabi niya sa sarili: “Hindi ako matitinag;*Lumipas man ang maraming henerasyon,Hindi ako mapapahamak.”+ פ [Pe]   Ang bibig niya ay punô ng sumpa, kasinungalingan, at banta;+Ang nasa dila niya ay gulo at pinsala.+   Nag-aabang siya malapit sa mga pamayanan;Mula sa taguan niya ay pumapatay siya ng inosente.+ ע [Ayin] Naghihintay siya ng kawawang biktima.+   Nag-aabang siya sa taguan niya gaya ng isang leon sa lungga* nito.+ Nag-aabang siya para hulihin ang walang kalaban-laban. Nahuhuli niya ang walang kalaban-laban kapag hinila niya ang kaniyang lambat.+ 10  Ang biktima ay dinudurog at ibinababa;Ang mahihina ay nahuhulog sa mga kamay niya.* 11  Sinasabi niya sa sarili: “Nakalimot na ang Diyos.+ Tumalikod siya. Hindi niya ito nakikita.”+ ק [Kop] 12  Kumilos ka, O Jehova.+ O Diyos, ipakita mo ang lakas mo.*+ Huwag mong limutin ang mga walang kalaban-laban.+ 13  Bakit nilapastangan ng masama ang Diyos? Sinasabi niya sa sarili: “Hindi mo ako pananagutin.” ר [Res] 14  Pero nakikita mo ang kaguluhan at pagdurusa. Nagmamasid ka at kumikilos.+ Sa iyo lumalapit ang kawawang biktima;+Ikaw ang tumutulong sa batang walang ama.*+ ש [Shin] 15  Baliin mo ang braso ng masama,+Para kapag hinanap mo ang kasamaan niya,Wala ka nang makikita. 16  Si Jehova ay Hari magpakailanman.+ Naglaho ang mga bansa sa lupa.+ ת [Taw] 17  Pero pakikinggan mo ang kahilingan ng maaamo, O Jehova.+ Patatatagin mo ang puso nila+ at pakikinggan silang mabuti.+ 18  Bibigyan mo ng katarungan ang mga walang ama at ang mga inaapi,+Para hindi na sila takutin pa ng mga hamak na tao sa lupa.+

Talababa

O posibleng “Pinupuri ng sakim ang sarili niya.”
O “susuray.”
O “palumpong.”
O “sa malalakas niyang kuko.”
Lit., “iangat mo ang kamay mo.”
O “sa ulila.”

Study Notes

Media