MARSO 21, 2024 | UPDATED: ABRIL 12, 2024
RUSSIA
UPDATE—NAHATULAN ANG KAPATID | “Hindi Kami Pinabayaan ni Jehova”
Noong Abril 12, 2024, hinatulan ng Tsentralniy District Court of Prokopyevsk sa Kemerovo Region si Sister Yelena Chernykh. Sinentensiyahan siya ng tatlong-taóng suspended prison sentence. Hindi siya makukulong sa ngayon.
Profile
Nakakapagpatibay isipin na “hindi . . . nag-iiba o nagbabago” si Jehova at patuloy niyang ibibigay ang “bawat mabuting kaloob at ang bawat perpektong regalo” para makayanan natin kahit ang pinakamahihirap na pagsubok.—Santiago 1:17.
Time Line
Hulyo 12, 2020
Hinalughog ang bahay nila. Pinagtatanong sina Yelena at Yuriy
Mayo 25, 2023
Sinampahan ng kasong kriminal
Agosto 15, 2023
Pinagbawalang umalis ng kanilang lugar
Oktubre 9, 2023
Nagsimula ang paglilitis